" Walang iwanan ha, kahit lumaki na tayo. bestfriend parin tayo"
Promise cross my heart...
Promise meant to be broken.
Bata pa lang ako mahilig na ako sa Promise. kasi akala ko noon, pag nangako ka o nag promise sa'yo ang isang tao. matutupad dahil nangako siya.
Pero minsan hindi naman pala lahat ng pangako natutupad, minsan napapako din.
parang noong bata pa lang ako. Pag sinsabi ni mama, na matutulog ako ng maaga. ang sagot ko naman
" Promise mama matutulog na po ako ng maaga"
pero hindi naman nangyari kasi nag pupuyat parin ako. dahil sa kakanood ng kdrama.Noong nag promise ako na mag aaral ako, pero nakipaglaro lang ako.
Noong nag promise
na maghugas ng pinggan pero hindi ko parin ginawa kasi natulog lang ako.One time naburyo na siguro si mama sa akin. Dahil sa kaka promise ko sa kanya napagalitan ako.
" huwag kang promise ng promise, roe hindi mo naman ginagawa eh."