MKN: PART 2
Irish's Point of View
Napatigil ang lahat sa pagtataranta ng bumalik si Francis. Kawawa na si Francis kase pinagpapatung-patungan na sya ng tanong ng mga kaklase namin nung nandon pa sya sa pintuan.
"Anong nangyare?"
"Totoo ba yung sinabi mo kanina?"
"May kutsilyo ba?"
"Anong reaction ni maam?"
"May killer ba?"
"O baka naman kaluluwa ni Captain hook yun?" Napatigil ang iba sa pagtatanong ng may nagtanong nyan. Nakaupo parin kami habang sya naman ay papunta na sa upuan nya.
"pffft-- hindi no! Ahmm. Wala naman daw kutsilyo dun at sabi ni maam na guni-guni ko lang yun. *chuckle* Pasensya na kung pinag-aalala ko kayo ha?" sabi nya yan na pinigil ang pagtawa kaya chuckle lang ang nailabas nya habang paupo sa kanyang silya. Grabe, ang gwapo talaga nya plus yung mesmerizing smile na nagpapatunaw ng puso. Alam nyo bang feeling na yun? (Cut! Sobrang cheezy na!)
"Kyaaaaah?! Ang gwapo mo talaga Francis! May girlfriend ka na ba? Available ako. haha" sabi ng isa kong classmate. Direct to the point talaga teh!
"Hehe. Wala pa naman. Meron pa kasi akong binalikan kaya lang. . ." napatungo sya sa sunod nyang sinabi. "Taken na pala sya. Hindi pala nya tinupad yung promise namin nung mga bata pa kami." ngumiti naman syang mapait.
"Ouch!" sabay sapul sa puso ng mga lalaki. Feeling close naman tong mga to.
"Aaaawwww. Dont worry Francis, nandito pa naman kami eh" sabay sabi ng mga babae. SABAY PA TALAGA! Ano ba talaga kayo, robot?
"Haha. Wag na ninyo isipin yun, wala na saken yun. Naka-move on na ako. :)" nakaramdam naman ako ng awa sa kanya. Siguro kung kilala ko lang yung binalikan nya, sinabunutan ko na. Akalain nyo yun. . . Promise, pinutol! Mahalaga kaya yung promise.
"Anyway, sabi daw ni maam na lunch na daw." sabi nya atsaka kinuha na yung bag nya at tumayo. "Sensya na talaga kayo kasi hindi ko agad nasabi ha? Nadala lang ako. hehe" marahan nyang nakayuko ang kanyang ulo at nakapatong yung isang kamay nya sa ulo nya at saka parang hinihimas ang buhok nya. Shemay! Ang hot tignan, parang model kahit may glasses. Jusme. baka magkasala ako sa boyfriend ko.
"Okay lang yun pre. Ramdam namin yung nararamdaman mo. Condolence na lang." sabi ng isa naming classmate na lalaki na kinuha ang bag at tumayo na din. May mga lumalabas na mga kaklase ko pagkatapos ng usapan na yun.
Sumunod na din yung iba kasama dun si Francis kaya naiwan na lang kami ni Irene at Ricky dito sa room. Akalain ninyong tulog parin tong nahulugan ng niyog sa ulo hanggang ngayon? =ㅗ=
"Ricky, ikaw na ang bahala dito kay Rene ha? I trust you okay, may pupuntahan lang akong tao." at first ay naghihesitate pa sya pero tumango din. Okay naman na hayaan ko sila dito noh! Para naman magkaroon na silang linawan para wala ng problema.
Lumabas na ako at sinubukang hanapin si Francis para pag-usapan namin yung about sa book report. Bukas na kaya yun no.
Mga ilang minuto na ako dito sa hallway at hindi ko parin syang mahanap. Wala na ding masyadong tao dahil kanina pa sila pumunta sa cafeteria.
"Asan ba yung nakaglasses na gwapong nilalang na yun?" hindi ko naman kasama si Tristian kasi nagpractice sila ng basketball.
"Ganun pala ako kagwapo?" napalingon ako sa likuran dahil sa pagkabigla. Wag mong sabihing. . . "Pati may boyfriend, nagagwapuhan sa akin?"
BINABASA MO ANG
Mamatay Ka Na?!!
Mystery / ThrillerAno ang gagawin mo kung may lumapit sayong lalaki na sobrang gwapo at sabihan ka bang 'mamatay ka na!' tsaka ngumiti ng sobrang tamis. Tatanggapin mo ba ito bilang prank o threat, babaliwalain o aalamin kung bakit, pagtatawanan dahil wala ka namang...