365 Battles. (ft. EXO Sehun)

443 13 2
                                    

365 Battles.  (ft. EXO Oh Se Hun)

by: kryptonitegirl 

  ****

KIM’S P.O.V

 “Oy! Baka gusto mong dalian. Malalate na tayo oh!” pagrereklamo sa akin ng isang talking parrot.

“Kung paangkasin mo kaya ako dyan sa bike mo at ng hindi na ako naglalakad dito!”

“Ayoko nga! Hindi na nga ako nag-breakfast , papagurin mo pa ako kasi inangkas kita, ang taba mo kaya. Lalo akong magugutom!” sinabunutan ko na lang yung mala-rainbow at mala-parrot niyang buhok. Kahit kelan ang selfish talaga ng Sehun na ito.

“Oo na, umangkas ka na nga! Huwag mo lang akong sabunutan Kim!” Papayag naman din pala itong lalaking ito eh. Haha! Si Sehun ba? Kapitbahay ko yan and at the same time, parang bestfriend/brother ko na rin. Lumipat lang sila dito sa lugar namin 4 years ago. Thankful naman ako at nakilala ko siya kahit na minsan, kontrabida ang role niya sa buhay ko.

“Pwede bang magtanong Sehun?” Agad-agad kong sabi sa kanya pagkaangkas ko sa bike niya.

“Ano? Kung mabigat ka? Oo ang sagot ko!”

“Tse! Pero seryoso nga, paano kung magpaligaw uli ako kay Kai? Alam mo naman na…” Nag-preno naman siya bigla at hinarap ako.

“Ano na naman ba yang pinagsasabi mo Kim?” Tinignan niya ako ng masama. Sabi ko na nga bang ganito ang irereact ng lalaking ito eh.

“Sehun, seryoso nga ako. Gusto ko pa rin si Kai.” Huminga naman siya ng malalim. Okay, hindi nga siya payag. Mainit kasi noon pa ang dugo nitong si Sehun kay Kai, hindi ko lang alam kung ano ang dahilan. Ako kaya ang ex-girlfriend ni Kai, hindi naman siya.

Oo, ex-girlfriend ako ni Kai. Alam kong may feelings pa ako sa kanya kahit may mga nagiging girlfriend na siyang iba. Humingi lang siya ng space bigla-bigla kahit alam kong binigay ko ang best sa relationship namin. At dahil nga sa mahal ko siya, I let him go. At sa hindi ko inaasahan, bigla na lang niya akong itinext kamakalawa.

From: Kai

Kim! It’s exactly 1 year after we broke up. Maniwala ka man o hindi, gabi-gabi akong nagsisi sa ginawa ko. Sana mapatawad mo ako. Kaya sa ayaw mo at hindi, I will court you once again to show that I’m still deeply inlove with you. Good Night. See me in your dreams!

Hindi ko nireplyan si Kai pagkatapos pero nagsimula na nga siyang gumawa ulit ng galaw para mapasagot ako. Malaki ang pagaalinlangan ko, lalo na at alam kong kaka-break lang nila ng girlfriend niya. Kaya ngayon, napagdesisiyunan ko ngang hingin ang payo ni Sehun.

“Masakit.”

“Anong masakit Sehun?” Wait, huwag mong sabihin na…

“Masakit kako yung paa ko kakapedal. Bakit ba ganyan ka kasi kabigat?”  Pinedal na lang uli niya yung bikeat hindi ko na lang siya pinansin. Magkalipas naman ang ilang segundo, nagsalita ulit siya.

“Ganito lang kasi yan Kim, ikaw ang liligawan, hindi ako. Ikaw ang sasaya, hindi ako. Ikaw ang masasaktan, hindi ako. Pero lagi mo lang tatandaan, lagi lang akong nandito.” Pinisil ko na lang ang pisngi niya.

“Naniwala ka naman? Lagi lang akong nandito, pinagtatawanan ang nangyari sa’yo! Haha!” Hindi ko na lang ulit siya pinansin. Alam ko namang seryoso siya. Sweet naman kasi ang lalaking ito kahit minsan. Kaya nga mahal na mahal ko siya eh. Teka- Ano ulit yung sinabi ko?

365 Battles. (ft. EXO Sehun)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon