Naniwala ka Naman

7.1K 265 76
                                    

Para sa mga umibig at nasaktan,

Para sa mga hindi maka move on,

Para sa mga bitter,

...at para sa mga naniwala.

**

Nakita ka niya sa isang sulok, mag-isa at walang kakibu-kibo. Nilapitan ka niya. Inilahad niya ang kamay niya para makipagkilala. Nakipag-kamay siya at sinabi niya ang pangalan niya. Tinanong naman niya kung anong pangalan mo. Sinagot mo siya. Sabi niya, " Ang ganda naman ng pangalan mo, bagay na bagay sa'yo."

Naniwala ka naman.

Bahagyang lumundag ang puso mo sa sinabi niya.  Natapos na lang ang araw, at paulit-ulit pa rin ang sinabi niya sa isip mo.  Halos hindi ka makatulog, kaiisip sa kanya. 'Bakit ko ba siya iniisip? Ngayon ko lang naman siya nakita ah', sabi mo sa sarili mo.  Pero, hindi mo pa rin siya maalis sa isip mo.  'Pakiramdam ko siya na.', sabi mo.

Naniwala ka naman.

Akala mo, 'yun na ang huli niyong pagkikita.  Pero, sadyang mapaglaro ang tadhana. Nagkita uli kayo.  Lumapit siya sa'yo. Kinausap ka niya. Nahiya ka pa noong una, pero di kalaunan, di mo namalayang ilang oras ka na pala nakikipag-usap sa kanya.  Dala niya ang mga kwento niya tungkol sa buhay niya. Masaya, malungkot, nandoon.  Natapos ang kwentuhan niya.  Nagpaalam kayo sa isa't isa. 'Sa susunod uli ah?', sabi niya. 'Sige ba.', sabi mo.  Napangiti ka. ' Ang dami kong nalaman tungkol sa kanya.', sabi mo.

Naniwala ka naman

Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan.  Naging matalik kayo na kaibigan.  Komportableng-komportable ka sa kanya.  Ang saya mo tuwing nakikita siya.    Ang saya mo tuwing kakwentuhan siya. Unti-unti, nagsasabi ka na rin tungkol sa sarili mo. Sinabi mo ang tungkol sa nakaraan mo. Tungkol sa mga pinagdaanan mo.  ' Ang lakas mo. Hindi ka pa rin sumuko sa buhay sa kabila ng nakaraan mo. Bilib ako sa'yo.', sabi niya.

Naniwala ka naman.

Isang araw, magkasama kayo. Gaya nang nakagawian, kwentuhan pa rin kayo.  Maya-maya, napatingin ka sa malayo...pero naramdaman mong nakatingin siya sa’yo.  Tiningnan mo siya...at nahuli mo siyang nakatitig sa'yo. Napaiwas ka ng tingin. Napayuko.  Ang bilis ng tibok ng puso mo.  Hindi mo maipaliwanag ang nararamdaman mo. Tiningnan mo siya uli.  Magpapaalam ka na sana.  Pero nagsalita siya. ' Ang ganda mo pala.', sabi niya.

Naniwala ka naman.

Kinilig ka sa sinabi niya.  Paulit-ulit ito sa isip mo. Ang lapad ng ngiti mo.  Hindi ka mapakali. Hindi ka makatulog…kaiiisip sa kanya.  Ngayon ka lang kasi nasabihan ng ganoon…at lalake pa ang nagsabi sa’yo.  Nagkita uli kayo. Ang saya mo.  Kasama niyo na naman ang isa’t isa. Hindi mo maipaliwanag ang nararamdaman mo.  Hiningi niya ang number mo. Halos lumundag ang puso mo sa sinabi niya. Binigay mo ang number mo at tinanong siya kung bakit niya hiningi ang number mo. ‘ Para nakakapag-usap tayo kahit hindi tayo magkasama. Tsaka…namimiss kita kaagad eh.”, sabi niya.

Naniwala ka naman.

Kinilig ka na naman. Nginitian mo lang siya. At mula noong hiningi niya ang number mo, halos magdamag na kayo kung magtext.  Sa bawat palitan niyo ng text, hindi mo mapigilang mapangiti…lalo na pag nag-aalala siya sa’yo. ‘ Kumain ka na ba?’, ‘ Wag magpapalipas ng gutom.’, ‘ Good morning. Gising na baka ma-late ka.’, ‘Good night. Sweet dreams.’, mga text niyang hindi mo mapigilang mapangiti. ‘ Concerned siya sa akin’, sabi mo sa sarili mo.

Naniwala ka naman.

Lumipas ang ilang linggo. Steady pa rin kayo. Status? Close friends. ‘Yan kayo. Pero sa loob-loob, napaisip ka, ‘ Posible kayang maging kami? Yung more than friends.’ Inaasar na nga kayo ng mga tao sa paligid niyo, ‘Ang sweet’, ‘Bagay’, ‘Kayo na ba?’ , ‘Perfect’.

Naniwala ka NamanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon