Ten - Fault in Our Stars

29 1 0
                                    

Ten - Fault in Our Stars

Wednesday

FairyTale Cafe

Kinakabahan akong lumabas ng taxi ng pagusapan namin ng Reyna na maguusap kami tungkol sa magiging kasalan namin ni Selene.

Huminga ako nang malalim at pumasok sa cafe. Kaonti lang ang tao kaya agad kong hinanap ang reyna. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako pinatawag. Tama, pagsasabihan niya ako dahil nasaktan ko si Selene.

Nakita ko siyang nakatalikod sa direksyon pero hindi din agad ako makapaniwala dahil kamukha niya ang anak niya pero mas matanda siya nang onti. Nakapusod ang buhok niya at naka-suot ng busines attire.

"Good morning po."

Napalingon siya at tinignan akong mabuti. Ito ang inuna ko kaya lumiban ako sa klase.

"Good morning din." Tahimik din niyang sagot.

Hahatulan na ba ako ng kamatayan? Marahil ay hindi, marahil ay oo. Nakaka-kaba. Bakit dito niya naisip makipausap? Paano siya nakapunta dito? Nilangoy niya ba?

Inalis ko ang mga walang kwentang tanong bago ko binuka ang aking bibig para magsalita.

"Wala po akong balak pakasalan si Selene. Kahit anong paraan."

"Hindi ako papayag na hindi ka malalagot. Isang batas iyon samin."

"Kasalanan ito ng kapatid ko kaya ako nadamay sa mga pangyayari..."

"Sabagay. Tama ka roon pero hindi ako papayag na walang paparusahan. Responsibilidad ko ito bilang reyna. At hindi pwedeng maparusahan ang kapatid mo dahil hindi siya tao."

Tsk.

"Maari bang malaman ang dahilan?"

"...." Tama bang sagutin ko ang tanong niya?

Eh di lalo akong magkakaproblema.

"May pinangakuan na akong babae. Ngayon-ngayon ko lang ito naalala." Tahimik kong sagot.

"Walang magagawa ang babae dahil kailangan mong tanggapin ang..."

"Pero, hindi ko papakasalan si Selene! Hahanapin ko muna siya!" Napatayo ako at naihampas ko ang mga kamay ko sa lamesa.

"Hahanapin mo ang pinangakuan mo?"

"Isa rin siyang katulad nyo!..."

Nakipagtitigan ako sa kanya pero umalis na din agad ko. Nasabi ko na. Wala na akong magagawa.

**

Hindi ko masabi na baka tinapon na rin niya ang singsing dahil bawal nga sila makita ng mga katulad ko. Wala na yung palatandaan na siya yung papakasalan ko.

Hindi na ako pumasok sa mga klase ko at dumiretso ako ng uwi sa bahay. Nag-lock ako ng kwarto ko at kinulong ang sarili ko.

Ano ba to?! Naglalaban ang isip ko. I barely know Selene but I shared some hot kiss wt her.  Ngayon pa ba ako magpapaapekto sa isyung ito?

Kainis!!

Nangako ako na papakasalan ko siya. Ni-hindi ko na maalala kung saan nangyari iyon. Basta natural sa dagat iyon. Sa dagat.

Alas-siyete na ng dumating ang ibang mga tao sa bahay. Nasa kwarto parin ako habang abala sa pagbabasa ng libro o kaya pagsesearch sa internet. Para akong tanga na naghahanap sa net ng 'mermaid sightings'. Hoy, Saber! Anong maitutulong ng internet sa paghahanap mo?

Did you fell in love with that girl? Why are you hesitating? Nangako din naman si Selene pero pinili niya ikaw. Ikaw ang pinili niya, Saber! Papaasahin mo na naman ba ang sarili at yung ibang tao?

SELENETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon