This is A True Story(Sapi)

658 5 0
                                    

Hello po.... this is my first time to write a story here,

This is Didicated to my friend(Ate Ycell)sya ang bida sa story 'ko......I hope mabasa mo to.

Sana magkita ulit tayo.I missed you.....

________________________________________________________________________________

Sisimulan ko na po...............

Hindi ko na po matandaan kung anong taon to nangyari....ang natatandaan ko lang po eh Mahal na Araw nun(It was April).Nagtatrabaho ako nun sa isang canteen sa Dasmarinas Cavite.napagdesisyunan ng boss namin na magbakasyon sa probinsya ko

sa Quezon Province.Kasama ang pamilya nia at mga co-workers ko at si ate Ycell(katrabaho ko rin sya.

Maaga kaming bumyahe kasi dadaan pa kami sa Batangas,sa relatives ng boss ko at ni ate Ycell.Nag-over night muna kami dun,kinabukasan na kami nagbyahe papuntang Quezon(bayan ng Lopez).

Exited ang lahat,syempre bonding with friends.Swimming sa dagat.Ang saya namin...

Hindi namin inaasahan ang susunod na mangyayari.Bandang tanghali yun,kumakain kami ng lunch,kaming dalwa na lang ni ate ycell ang naiwan sa lamesa,nagkkwentuhan pa kasi kami,nagulat na lang ako ng bigla na lang syang tumayo at napakapit sa lamesa.

"Nahihilo ako"ang sabi nya.nataranta ako,tinawag ko si mama at dinala namin sya sa kwarto at pinahiga,binigyan sya ni mama ng herbal medicine.Hanggang sa tumirik ang mata nya,nagkagulo na kami sa bahay.hindi na namin alam ang gagawin, nagsasalita sya,iba na ang boses nya.May pinatawag si mama na manggagamot.Pero ang sabi ko sa kanila dalhin na lang sa ospital.pero ayaw nila kasi hindi naman daw makakaya dun na gamutin.Ang sabi dib ng matatanda sa'min,lapitin daw talaga si ate ng mga engkanto dahil meron syang nunal sa bandang ibaba ng kanyang ilong,magkapatong.Naalala ko na may naikwento pala sakin si ate Ycell na sinasapian na sya before,kaya pala parang ayaw nia sumama kasi natatakot sya sa mga maraming puno o gubat.Ngayon naniniwala na ako na toto pala talaga na may sinasapian.

Napagpasyahan namin na dalhin na lang sya sa isang albularyo,malayo-layo rin ang byahe papunta dun.At ang nakakapagtaka pa hindi namin sya mabuhat,ang bigat ng katawan nya.Tatlong lalaki ang nagbuhat sa kanya at dinala namin sa may court habang hinihintay yung sasakyan.At habang nasa sasakyan kami may time na nagwawala sya tapos biglang tutulog,tumirik din yung mga mata nya.Iyak pa rin ako ng iyak.Akala ko kasi mamamatay na sya.

Nang nakarating sa albularyo ginamot na sya.... dinasalan,Nahimasmasan na sya,kinausap na nya kami,pagod na pagod sya,sabi nya ok na daw sya kaya umuwi na kami.

Hindi na sya sa bahay tumuloy,dun namin sya dinala sa Mataas na Duungan(part pa rin sya ng Brgy.namin)kasi sabi nya may duwende daw syang nakita sa may cr namin kaya minabuti na namin na hindi na lang sya sa bahay iuwi.

Pinahiga na namin sya,akala namin ok na ang lahat....... yun pala hindi pa.

Bigla na lang syang nangisay,tumirik na naman ang mata nya.Tinawag ko yung isa pa namin na katrabaho.si Darwin(tagasamin din sya,kababayan ko).Hinawakan namin sya,hindi ko na masyadong matandaan ang mga sinasabi nya eh,basta nagiging parang duwende tapos lumalaki.

(Habang ngtatype ako,nagpa-flashback sa isip ko ang mag nangyari nun,,, i totally don't believe about SAPI,pero that time I can't explain to myself na,is it just really a dream? totoo ba talaga to..?basta ang gulo ng utak ko.....)

Let's just continue.......

And ayun na nga,hindi kami magkandaugaga sa paghawak at pagpigil sa kanya.Nagsasalita sya,ang sabi nya"anjan na sya,kukunin na nya 'ko".Takot na takot kami sa mga sinasabi nya.Ang lakas nya talaga napakatigas ng katawan nya pati ulo nya ang bigat.Tapos nun tumigil na sya,nkastraight body syang nkahiga,nakakuyom ang mga kamay nya.Nakatitig lang sya sa kawalan,as int titig na titig,parang hnd na sya kumukurap eh.Hinayaan na lang namin sya.paminsan -minsan pa rin syang nagwawala,hindi na namin alam ang gagawin.

May mga tao na naman na pmunta tapos may nagsabi na baka daw nausog na sya,may pinapunta dun na isang lalaki(tawagin ntn xa sa pangalang,kuya pido).Alam nyo naman sa probinsya db maraming pamahiin,kaya pag may nauusog sabi nila ,,lawayan,hindi ko na iiexplain kung pano yun gngawa,alam nyo na siguro ibig sabihin nun...(sabihin na ntin na nakakadiri,hehe)eh kasi un ang paniniwala nila.

Pero wala pa rin tlgang epekto.At lumipas pa ang mga oras,nakita na lang namin sya na biglang gumalaw,alam nyo yung parang may lumabas sa katawan nya na ispiritu,nakapanuod nmn n cguro kayo ng ganon sa maga pelikula.So... ganon ang nangyari sa kanya.Nilapitan namin sya.bigla syang umupo,nagugutom daw sya,pnakain namin sya....Gutom na gutom sya,pinagpapawisan habang kumakain.

Tinanong na namin sya kung anong nagyari sa kanya.Ang sabi nya sa'min may dumating daw na tumulong sa kanya,kaibigan daw nya yun na laging tumutulong sa kanya pagnangyayari sa kanya ang mga ganong bagay.Maswerte daw sya at nahanap nung mabait na ispiritu na yun kung sino ang nakausog sa kanya.Pinaalala sa'min ni ate Ycell yung nanyari nung mga nkaraang arw,kasi may nadaanan kaming mga nag-iinuman.May isa daw dun na lalaki(pero hindi ko kilala,tga ibang brgy.daw)Yun daw ang nakausog sa kanya.Sinabi daw nung ispiritu ang pangalan sa kanya,and take note,complete name pa huh.Nakakabigla talaga kasi kami nga hindi namin alam ang pangalan nun db?

Ay dun na nagtatapos ang lahat... mabuti na lng walang nasaktan.... Thanks God...

hayyyyyyyyyyyy...........ang dami talaga sa mundong mga pangyayari na mahirap ipaliwanag.Kung papano at bakit....Ito ang pangyayari sa buhay ko na hindi ko maaaring kalimutan,Dahil dito ko napatunayan na totong may nasasapian.

This is A True Story(Sapi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon