Crush (one shot story)

10 1 0
                                    

CRUSH minsan inspirasyon madalas nakakastress, minsan kase nagiging literal na CRASH, lalo na pag nakikita mong may iba siyang kausap, kangitian, katawanan na babae, lalo naman pag naka tanggap ka ng isang chika na nag sasabing "may girlfriend na si crush"

aray !! ang sakit lang mapapasabi kana lang ng "mag be-break din kayo, walang forever" bitter lang.
Yun bang kahit hindi naman naging kayo mapapa sabi kana lang ng "makaka move on din ako", kapalan lang? Pero aminin naranasan niyo na yan.

Crush, isa sila sa dahilan kung bakit kahit na ayaw na ayaw mong iwanan ang kama mo pinipilit mo pa rin ang sarili mong bumangon para lang makapasok sa school at makita siya kahit malayo siya sayo

Crush nga diba hanggang titig kana lang teh.
At syempre isa ako sa mga nag papantasya na balang araw mapapansin din ako ni crush kaya nga kahit 6:30 palang nasa school nako at nag aabang eh. Kabisado ko na ang oras ng pag pasok niya ikaw ba naman araw araw abangan ang pag dating niya hindi mo pa ba mamememorize yun..

Nag simula na ang flag ceremony, nasa kanya kanya na kaming linya at dahil kakatapos lang ng ulan ay maputik,

Anyway sa labas lang kami ng room naka linya ngayon at tanaw na tanaw ko siya mula rito sa kinatatayuan ko. Nakatayo siya sa tabi ng acacia tree na malapit sa gate, nakatigil sya dun kasama ng iba pang studyante na naabutan ng pambansang awit. Nakasuot siya ng uniporme namin, kulay light blue na jansport at leather shoes, ang linis niya tignan bumagay ang kulay ng bag niya sa kulay niyang maputi, hindi naman sobrang puti, sakto lang. Ang hilig niya talaga sa jansport halos lahat ng suot niyang bag jansport eh

"Kiara! Kumanta ka nga!" Sigaw ng class president namin sakin, hindi ko talaga makuha, bakit kailangan pa naming kumanta? Para saan pa ang speaker na kumakanta ngayon? Ano to makiki duet kami? Nakakainis talaga grrr.

Natapos ang kanta at nakita ko siyang nag lalakad na papunta sa room nila, awww sana mag recess na, pinapasok narin kami ng class president namin sa room namin since wala pa yung class adviser namin, late ata si maam rule (pronounce as ru-le)  ngayon ah. Umupo ako sa pagitan ni fhirny at ali, ang mga pinaka matalik kong kaibigan sa room, si fhirny ay babae samantalang si ali naman ay hindi ko alam Bi ata, hindi naman kase siya mukhang bakla. Nag simula akong mag basa since may quiz kami ngayon kay maam rule sa araling panlipunan or Arpan. Maya maya pa ay nag ring na ang bell, meaning tapos na ang klase namin sa AP and meaning walang quiz, hindi pumasok si maam eh at meaning PARTY !!!PARTY !!!!PARTY !!! Yuhoooo.
Ganyan naman tayong mga studyante eh Kulang nalang mag sigulungan sa sobrang saya. Next subject namin ay chemistry at naniniwala nako sa kasabihang "every thing happens for a reason" walang quiz sa AP dahil may oral recitation sa chemistry, anak ng ice cream nga naman, anong iooral dito? Eh ni hindi nga kami nasabihang mag basa ng kung ano eh. Ano tingin niya samin si jimmy neutron? Hello kung ang iba may stock knowledge pwes ako may STUCK knowledge, natrap lahat sa utak at ayaw ng lumabas pa langya. Ano to bubula na naman ang sagot ko huhuhuh.

"Reyes, Niel" tawag ni sir at nakahinga ako ng maluwag dahil hindi pako natatawag ni sir! Sa ganitong mga pagkakataon ko naiisip na sana bumilis ang oras, diyos ko, aatakehin ata ako sa puso sa sobrang nerbyos.

"Explain the blah blah blah" hindi nakasagot si neil naka kamot lang siya sa ulo niya, sa ganitong mga panahon lang din nagkaka kuto ang mga kakalase ko. "Gonzales, kiara" OH MY GOSH !!!! ako bayun ??? Oh noooo may kambal ata ang pangalan ko kyaaaah!!! Patayo palang sana ako ng biglang mag ring ang bell "okay lets continue this tomorrow, bye" tumayo na siya at lumabas, save by the bell.
"Kiara!! Canteen tayo!!" Yaya sakin ni fhirny nakasunod lang sakanya si ali
"Sige tara" tsaka kami nag patuloy sa pag lalakad paputang centeen. Pag dating namin, as usual crowded nanaman ang canteen, makikisiksik nanaman kami hindi kami sardinas para ipag siksikan ang sarili namin sa lata! nasa dulo lang kami nag hihintay na mabawasan man lang ang mga tao na imposible lang naman mangyari.

"Okay okay mamumulubi tayo kung tutunganga lang tayo dito, ako na bahalang makisiksik dito lang kayo" suhestyon naman ni ali na sinangayunan namin ni fhirny. Nag simula siyang makisiksik sa dagat ng mga studyante  sa canteen.

ilang minuto na ang lumipas at hindi parin nakakabalik si ali, nag aalala na kami, nag desisyon kaming sundan na ito baka kase naapakan na pala yun ng mga nag tutulakang studyante e medyo lampa panaman yun.

Pasulong palang kami ng lumabas sa dagat ng mga tao siya, una kong napansin ang dimples niya sa mag kabilang pisngi niya na mas lalong naging visible sa pag ngiti niya, ngumingiti siya sakin, oh my gosh pwede na kong mamatay my gooooood!

"Friend nginitian ka niya my gosh" Segunda naman ni fhirny  na nasa tabi ko, tumitili pa siya ng mahina habang hinahampas hampas ako sa braso ko.

mga kaibigan nga naman mas kinikilig pa sila kesa sayo at napaka supportive pa, mag ka eye contact lang kayo sasabihin na nilang tinitigan ka, at ikaw naman itong si assuming maniniwala, katulad ko ngayon, natuod na ata ako dito sa kinatatayuan ko oh my gosh my crush did smile in front of me OH M!

Kill me now...nag lakad siya palapit sakin oh em---- kinikilig ako pero lahat ng kilig ko nawala nung oras na nilagpasan niya ako, sinundan ko siya ng tingin at nakita kong may iba siyang nilapitan, si ziana

ang girlfriend niya

Isa lang ang masasabi ko aray, truth hurts ika nga, pero para sakin reality sucks.

"Girl, move on" sabay tapik pa sakin ni fhirny, oo nga move on, hanggang titig lang talaga ako at hanggang pangarap nalang.

Para siyang isang bituin na mahirap abutin,
para siyang bituin na hanggang inspirasyon lang. Pwede mong titigan pero hindi mo mahahawakan, kase pag aari na siya ng buwan at wala kanang ibang magagawa kundi ang pagmasdan siya sa malayo.

Binabawi kona ang sinasabi ko kanina, hindi lang pala minsan nagiging literal na CRASH ang CRUSH kundi madalas

sa susunod kase "dont expect too much"  ika nga nila at napag tanto ko na tama nga sila, expectations can hurt us kaya dapat iwasan yun.

Dahil crush mo wala kang magagawa kundi ang maging masaya nalang para sakanya, crush mo eh
crush mo lang
hanggang dun lang
crush wala ng iba,

CRUSH LANG

Crush (one shot story) Where stories live. Discover now