Aking Mahal

2 1 0
                                    

ganon na lang ba?

ganon na lang ba talaga kadaling kalimutan ang lahat sa ating dalawa?

alam mo ang sakit lang isipin na

kahit ako ang kasama mo

sya pa din ang nasa isip mo

ang sakit

ang sakit sakit

bakit ko nga ba pinagpipilitan ang sarili ko?

kahit na alam kong hindi ako

ang magiging dahilan para sumaya ka

bakit ba ang tanga ko?

ang tanga ko para di ko isipin na

"oo nga pala, mahal pa nya"

ang tanga tanga ko

ang tanga tanga tanga ko!

sana ako nalang sya

sana ako nalang yung taong yun

naiinggit ako sa kanya kase sa bawat kwento mo pa lang

alam ko na sobra mo syang minahal

sana ako nalang sya

para maranasan ko na pahalagahan ng sobra

di ko alam bakit ka nya iniwan

ano bang rason nya para iwan ka?

ayan, nasasaktan ka ngayon

nahihirapan ka, ramdam ko

kita ko sa mga mata mo

malungkot at nanlulumo

sa mga alaala na inyong nabuo

halos di ka na makabangon

ako'y nasasaktan na nakikita kang ganyan

pwede ko ba kunin ang sakit

at maging masaya ka nalang ulit?

ayaw kitang nakikita na malungkot

dahil gusto ko makita muli ang mga ngiti mo.

mahal kita kahit sino ka man

mahal kita kahit na ang sakit na

kaya sana maging maayos ka na

para mapasakin ka na muli

para mapasakin ka na muli

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 13, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Random PoetryWhere stories live. Discover now