MNMMS 5

1.4K 57 25
                                    

GALE

Papunta na ko sa room ko. Syempre mag- isa lang ako. Diba nga wala si Reiko?

"Pst." Nagulat ako nang may sumitsit. Napatingin ako sa paligid ko.

Wala namang tao? Maaga pa kasi kaya wala pa masyadong estudyante.

Maglalakad na lang sana ulit ako nang..

"Pst." Hala. Ayan nanaman siya. Sino ba yun?

Wala naman kasi talagang tao eh!

"S-sino yan?" Sigaw ko. Wala namang sumasagot! Baka guni- guni ko lang yun?

Hmm. Baka nga.

Naglakad na lang ulit ako. Tunog lang ng sapatos ko ang maririnig.

Okay. This is getting creepy.

"Pst." Waaahhhh! Ano ba yun?! Tumingin ulit ako sa likuran ko.

"Hoy sino ka?!" Sigaw ko. May lalaki. Di ko naman kilala to.

Nag- smirk siya at lumapit sakin. Napalunok ako. Tatakbo na sana ako pero...

Pagharap ko may mga lalaki din!

Kpayn. I'm trap!

Papalapit sila nang papalapit sakin.

"H- hoy! Anong gagawin niyo sakin?! Umalis nga kayo!"

"Hahaha! Kalma miss. May taste kami." Sabi nung isa kaya nagtawanan silang lahat.

Ano daw?!

"Anong sabi niyo?! Ang kakapal ng mga mukha niyo ah!" Hinampas ko sila ng bag ko.

"Tama na yan. Tch." May biglang nagsalita. Wait. I know that voice!

Tumabi yung mga lalaki at bigla kong nakita si....

SUNGIT!

"Ikaw?!" Sigaw ko.

Papalapit siya sakin habang nakangisi. Pinandilatan ko siya.

Bigla siyang lumapit sakin at kinuha ang salamin ko! Dahil mas matangkad siya sakin itinaas niya ang kamay niya habang hawak ang salamin ko.

Inaabot ko yun pero hindi ko maabot! Bakit ba kasi ang tangkad ng lalaking to?! O baka naman pandak ako? T-T

"Hoy akin na yan!" Hindi ko talaga maabot!

Tumakbo siya kaya hinabol ko siya. Pero biglang hinarang nung isang lalaki yung paa niya kaya natapilok ako at nadapa.

Ouch! Ang sakit!

"Wahaha! Lampa ka pala eh!"

"HAHAHAHAHA!"

Naikuyom ko ang kamao ko. Naiinis na ko!

"Lol brad. Galit na ata. HAHAHA."

"Tch. Bayaan mo siya. She's nothing against us." Inirapan ako ni sungit. Bakla. Psh.

Napansin kong hawak nung dalawang lalaki ang mga libro at bag ko.

"Bakit hawak niyo yang mga gamit ko?! Bitawan niyo yan!" Tumayo na ko at susugurin na sana sila pero itinaas ulit nila ang mga kamay nila.

Bwisit! Eto nanaman tayo!

"AKIN NA YAN SABI!" Sigaw ko. Ewan ko pero naiiyak na ko. Naghihirapan na kaya ako!

"You want this? Then come and get it." Biglang sinabit nung isang lalaki ang bag ko sa may hook dun sa mataas na pinto. Mas lalong hindi ko abot!

Hinagis naman nung isa pang lalaki ang mga libro ko. Tapos si sungit naman binasag yung salamin ko!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 20, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ms. Nerd Meets Mr. SungitWhere stories live. Discover now