Chapter 2

415 17 21
                                    


CALTER'S P.O.V. :

Pagkatapos ng mga isang oras at kalahati tinigil ni Kuya Evren yung sasakyan malapit sa isang icecream shop tsaka kami bumili ng icecream syempre alangan namang bumili ka ng vetsin sa icecream shop

Kung tatanungin niyo naman kung kamusta yung road trip ang boring promise -__-. Nasaloob lang kami ng sasakyan hindi naman kami namasyal nasa loob lang kami ng kotse nagsayang lang ata ng gas si kuya Evren

"Ang saya ng roadtrip no?" Nakangiting tanong ni Keirra. Weh? Nasayahan sila don? Nasa loob nga lang kami ng sasakyan eh. Kapag may nakikita kong magandang lugar sabi ko tumigil muna kami kaso ayaw naman nila roadtrip daw kasi never na ko sasama sa roadtrip bukod sa boring na sayang pa sa gas nangawet yung puwet ko don mahigit isang oras ba naman kaming nakaupo eh.

"Oo nga eh next time ulit ha?" Sabi naman ni kuya Ken at sabay-sabay silang tumango kaya napangiwe ako sana naman next time wag na nila akong isama mas gusto ko pa manood ng spongebob hehe favorite ko kasi si spongebob ang cute kasi niya

"Here's your order mams and sirs" Nakangiting sabi ng isang babae at base sa uniform niya isa siyang waittress. Hehe galing ko no? Dahil lang sa uniform nalaman kong waittress sya, ano bilib na kayo sakin?. Pero joki joki lang yon common sense na waittress siya kasi una babae siya tsaka siya ang nagserve ng order namin

Pero kala ko ba mams and sirs eh bakit sakin lang siya nakatingin? *pout* ang gulo niya!. Lalong lumaki yung ngiti nung waittress nung ngumiti ako, eh? Bakit kaya? May dumi ba sa mukha ko feeling ko tuloy namula ko dahil sa hiya at lalo namang napangiti yung waittress. And bad niya natutuwa pa siya dahil napapahiya ako

Dala-dalawa niyang sinerve ang icecream joke paisa-isa lang syempre yung isang kamay kasi niya nakahawak sa isang tray pagkatapos niyang iserve yung icecream ko may nilagay siyang papel ata sa bulsa ng polo ko pagtingin ko kay ateng waittress nakatingin din siya sakin at kumindat siya bago umalis habang kumekembot

Ang weird naman ni ateng waittress. Kinuha ko nilagay ni ateng waittress sa bulsa ng polo ko at tama nga papel ngayung nakalagay at binasa ko kung ano yung nakasulat

6 pm ang out ko kung gusto mo intayin mo ko at papainitin ko ang gabi mo

Eh? Papainitin ang gabi? Ayoko nga ang hirap matulog kapag mainit mas maganda kapag malamig ang sarap matulog ang weird talaga ni ateng waittres. Tinuloy ko nalang yung pagbabasa

09********* ang number ko babe text mo nalang ako

Ay ang bad ko hindi pala para sakin itong letter dapat kasi sinabi ni ateng waittress na pinapabigay lang niya to dun sa babe pero sino ba yung babe? Hindi ko naman kilala yon eh

"May kilala ba kayong babe ang pangalan?" Tanong ko sa mga kaibigan ko at sabay-sabay na napakunot ang noo nila ang galing! Pinagusapan kaya nila na sabay-sabat silang magkukunot ng noo? Andaya! Hindi man lang nila ko ininform parang hindi kami magkaibigan

"Sigurado ka ba ng pangalan yang babe?" Tanong ni Shanty. Sa lahat ng mga kaibigan ko masasabi kong siya ang pinaka kaclose.
Tumango ako sa kanya bilang sagot "Ito oh pinapabigay kasi ni ateng waittress dun sa babe eh hindi kk naman kilala kung sino yon" sabi ko habang inaabot sa kanila yung papel na binigay ni ateng waittress at binasa naman nila yon at sabay-sabay silang napatawa maliban kay Shanty dahil nakasimangot siya kaya dali-dali kong kinuha sa kanila yung papel at binasa ulit ilang ulit ko ng binasa yung papel pero di ko padin makita yung hinahanap ko

"Cal ano bang hinahanap ko at titig na titig ka diyan sa papel" tanong ni Kence

"Hinahanap ko yung joke" sagot ko ng hindi nakatingin sa kanya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Childish HubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon