Chapter 7

75 1 1
                                    

Guys, this next few days isang beses nalang po muna sa isang araw ako maguupdate. Exams na po kasi namin at kailangan ko ng magaral :) Godbless po <3

Ryan's POV

I got mixed emotions nung nakita ko na si Allisa yung tinutukoy ni Kei na kaibigan niya. Never ko kasing inakala na magkikita pa kami ulit.

Actually, yung banggaan namin sa tapat ng NBS, sinadya ko yun. Ewan ko kung anong meron siya pero, nung nakita ko palang siyang bumaba sa taxi may something na naka-caught ng attention ko. Kaya yun, sinundan ko siya. Tapos nung nakita ko na papalabas na siya sa NBS sa inunahan ko na siya lumabas at ayun, nakipagbanggaan nako sakanya :))

"Bro! You're spacing out again. Care to share?" Napansin na naman ni Mike. Napaka-chismoso talaga nito.

"Ah, wala Bro. Pagod na ako. Mauna na ako sainyo." Paalam ko nalang den umalis na.

Pagdating ko sa bahay... Bat parang ang tahimik? Siguro nakauwi na si Allisa. Tulog na din siguro si Keira.

"Hay sayang naman. Hindi ko na siya naabutan. Kakain na nga lang ako." Oo, kinakausap ko sarili ko.

So ayun, nagluto nalang ako ng bacon. Hindi ko na inabala si Yaya. Nakakahiya naman eh tsaka nagpapahinga na siya. Mabait akong bata no, tsaka matalino pa! Kaya nga nakatapos ako agad eh. Accelerated kasi ako hindi na ako nag-Grade 1 and grade 2.  Kaya maaga din akong nakatapos 18 years old palang ako. Ganun din si Kei, lahi ata talaga namin ang matatalino.

Buti naman at naluto na tong bacon, makakakain na din ako. Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref den sinalin ko sa baso kaso di ko sinasadyang mabitawan. Ayun! Nabasag tuloy -_-

"Shit Ryan! Ang tanga tanga mo naman. Napaka-clumsy mo!" Sigaw ko sa sarili ko.

Buti nalang di ako nasugatan. Takot pa naman ako sa dugo. Inayos ko nalang yung kalat then dumiretso muna ako sa Cr. Bigla kasing sumakit yung tiyan ko eh.

Ali's POV

Kanina pa ako paikot-ikot dito sa higaan ni Kei pero hindi pa din ako makatulog. Pipikit na sana ako nang bigla akong may narinig na sigaw sa baba.

"Shit! Pinasok ata bahay nila Kei." Bulong ko sa sarili ko tapos naghanap ako ng pwedeng pandepensa sa kung sino mang demonyo ang nasa baba. Buti nalang at may nakita akong baseball bat sa tabi ng closet ni Kei.

Dahan dahan akong bumaba at may narinig akong nagbukas ng gripo sa cr kaya pumwesto agad ako sa likod ng pintuan. Hinintay kong lumabas yung magnanakaw.

Nagflush na yung toilet bowl so ibig sabihin lalabas na siya. Hinanda ko na ang sarili ko sa kung ano man ang mangyari. Itanaas ko na din yung baseball bat. And i'm ready to hit anytime! Pagbukas ng pinto, sumigaw ako ng...

"Walanghiya kang magnanakaw ka!!!!" Papaluin ko na sana siya kaso nakita ko ang gulat na gulat na itsura ni Ryan.

OMG! Nakakahiya ako. At naffeel ko na pulang-pula na ako sa kahihiyan! Ano ba naman ya. Ali! Bat hindi mo inisip na hindi lang si Kei ang nakatira dito?!!! Nako naman, umiral na naman ang katangahan mo -___-

~

xx

Fortuitous Love (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon