~JANE~
*flashback*
"Sorry na kasi joke ko lang naman talaga yun e nabigla ako. Hindi ko sinasadyang sabihin yun. Please sorry na patawarin mo na ko" sabi ko habang sising sisi sa sinabi ko
"Diba sabi ko naman sayo na kapag may hindi ako nagustuhan wala na? Last chance mo na nga yun sinayang mo pa" sabi niya ng hindi tumitingin sa akin.
"Sorry na kasi Jansen naman e please nabigla nga lang ako" pagpupumilit ko
Hindi niya ko nililingon at sinasagot.
Huminga ako ng malalim. Siguro eto na nga ang hangganan ng relasyon namin. Dito na nga siguro magtatapos ang lahat.
"Ayaw mo na?" tanong ko sa kanya
Mabilis siyang tumango bilang 'oo' sa tanong ko.
Hindi ako makapaniwala.
Sigurado ba siya?
Dahil ako ay naguguluhan, sinubukan kong tanungin ulit.
"Ayaw mo na? Seryoso ka ba?"
Tumango lang siya nang hindi manlang tumingin sa akin.
Huminga ulit ako ng malalim at tumalikod.
Nagsimula na akong maglakad at sa hindi inaasahan, tumulo ang aking mga luha.
*end of flashback*
Andito ako sa simbahan kung saan kami unang nagsimbang magkasama.
Kung saan kami tumatambay pagkatapos ng aming klase.
Dalawang taon na pala ang nakakalipas simula ng maghiwalay kami ni Jansen, ngunit ang sakit na nararamdaman ko ay parang kahapon lang nangyari. Sa madaling salita, mahal ko pa siya.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagsimulang libutin ang simbahan. Pinuntahan ko ang paborito naming pwesto at inalala ang nakaraan.
*flashback*
"Ewan ko sayo Jansen! Basta usapang SPG game na game ka! Hahaha!" sabi ko habang tawang tawa kay Jansen.
"Ang ganda nga nung story e wild yung bidang si Rose grabe" tumawa naman siya ng malakas dahilan upang pagtinginan kami ng mga dumadaan.
"HAHAHAHA LAPTRIP KA!" at nagtawanan kami.
*end of flashback*
Bigla kong naramdaman ang luhang umagos sa pisngi ko. Agad ko naman itong pinunasan.
Bakit pa kasi namin kailangan maghiwalay? O kaya naman, bakit pa namin kailangan magkakilala?
Marami namang iba dyan pero bakit siya pa? Hindi ko lubos maisip kung bakit ganun ganun na lang niya kalimutan ang mga alaala naming kay tamis.
Minsan naisip ko, ganun na lang ba ako kadaling iwan?
Hindi naman ako nagkulang, ginawa ko naman ang lahat para sa kanya, pero bakit parang kulang?
Inayos ko na ang aking sarili at umuwi na.
May flight pa ko bukas papuntang Chicago at dun magsisimula ulit.
---------------------
Andito ako sa may airport at nagbabasa ng wattpad. Oo, 16 years old na ako pero nagbabasa padin ako, syempre hobby ko na to simula pa nung elementary pa ako.
Sa hindi inaasahan, may nabangga ako. Shocks nahulog phone ko!
Kukunin ko na sana kaya lang nakuha na nung nabangga ko.
"Uhm tha--
-
-
-
-
-
-
-
Jansen?""Uy! Jane! Kamusta? Sorry nabangga kita. Nagbabasa ka padin pala ng wattpad hanggang ngayon. Hahaha walang pinagbago"
Then suddenly he hugged me.
Yung yakap na namiss ko ng sobra.
Tumagal ng 15 segundo ang yakapan namin at bumitaw na agad siya ng may nagsalitang babae.
"Babe what took you so long? Inaantay na kita kanina pa sa chai--------- Jane?"
"A-aygie?" nauutal kong sabi
"Nga pala Jane, remember Aygie? Kaklase natin dati? Guess what, girlfriend ko na! Isn't it great? Sabi ko pa sayo nun hindi ko siya liligawan haha kinain ko din pala sinabi ko hays"
Ayoko na.
Ayoko na silang makita pa.
Ngumiti na lang ako ng bahagya at umalis na. Hindi ko na inantay na magsalita pa si Aygie. Mas mabuti pa nga sigurong magsimula ako ng bagong buhay at magmove on.
THE END
A/N:Medyo related sakin yung story huhu :< Sa mga kaklase kong nagbabasa nito quiet na lang haha XD
YOU ARE READING
One Shot Stories
RomanceDifferent kinds of stories that you will love P.S Tagalog po ito huehue :>