KISS me with a LIE

131 5 0
                                    

TANYA'S POV

Yey breaktime na! We're on our way sa foodcourt ng university. Konting tiis nalang at malapit na naming iwan yung foodcourt na yun dahil 1 year nalang at gagraduate na kami sa kursong BS in Accountancy.

Papasok na sana kami ng foodcourt ng may humarang saming tatlong lalaki na nakasuit

"Sino sa inyo si Ms Tanya?" Tanong nung isa sa kanila, bigla naman akong kinabahan ng marinig ko ang pangalan ko lalo na nung sabay ituro ni Abbie at Rhea kung sino saming tatlo si Tanya

"Kailangan mong sumama samin, may gustong kumausap sayo sa Presidential suite" walang emosyong sabi nung isa

Tinignan ko muna si Rhea at Abbie, they look worried, I can see it in their eyes. Natatakot din siguro sila sa mga ito.

"Message ko nalang kayo after this" pampakalma sa kanila, they both nod at tuluyan nang pumasok sa foodcourt. Ako naman ay inescort ng mga ito papunta sa presendential suite. Lahat ng estudyanteng nadadaanan namin ay nagbubulong bulungan, napayuko nalang ako sa hiya, di naman kasi ako sanay na maging center of attraction. Sino ba namang hindi lilingon sakin e napapalibutan ako ng mga lalaking nakasuits.

Sobra akong ninenerbyos, inisip ko ng inisip kung anong nagawa ko at napatawag ako ng president pero alam ko sa sarili ko na wala talaga akong masamang nagawa.

Mapapatalsik ba ko?

Masususpend?

Maaaward?

Ipanglalaban sa ibang school?

Community service?

Jusko Lord! Help me po!

Nasa harap na kami ng pres suite at feeling ko mahihimatay na ko pagkabukas ng pinto

"Excuse me sir, here she is" Humarap ito sa akin "Pasok ka na Ms" niluwagan nito ang pagbukas sa pinto

Dahan dahan akong pumasok at napa nga nga ako sa nakita ko

Isang napakagwapong anghel

na masamang nakatingin sakin while putting cold compress on his head

His wearing a fitted v-neck black shirt that suits his muscular body and trace his yummy eight packs abs. He's tall and everyone might envy his fair and smooth skin na parang ni minsan di tinubuan ng kung ano ano.

Teka... Sino siya? Sa pagkakaalam ko old woman ang current president ng university

He snap his finger kaya napatingin ako sa brown eyes niya "Tanya Gail Alonzo, right?" I nod kahit nagtataka ako kung anong kailangan niya sakin

He smirk "you should pay for what you have done" nagulat ako sa sinabi niya

"Ho? Bakit po? Ano pong nagawa ko? Malapit na po akong magtapos kaya kabisadong kabisado ko po lahat ng rules ng university at alam na alam ko po sa sarili ko na wala po akong nalalabag sa rules." Hysterical kong sabi "At isa pa po wala po akong pera pambayad sa kung ano man po ang sinasabi niyo" nahihiyang habol ko

scholar lang kasi ako sa university, may weekly allowance ako na dumarating na di ko alam kung kanino nanggagaling, parents naman ni Abbie ang provider niya, pagmay sobra ako rito ay iniipon ko ito kung sakaling magka emergency. My parents died from a car accident when I was 16 years old kaya ang naging guardian ko ay si lola mila kasambahay namin siya sanggol pa lamang ako pero kinailangan niya ng umuwi sa kanila last year dahil may sakit ang apo niya di ko naman siya pinigilan dahil alam ko miss na miss niya na ang pamilya niya kaya ako napadpad sa condo ni Abbie.

"You know what is this?" Kumunot naman yung noo ko

"Forehead po, hindi niyo po ba alam? Kahit nursery po alam na ang tawag dyan" sagot ko

"Shit!" Narinig kong mahinang mura niya at tumalikod sakin

"This morning I went to the gym to find the student who's gonna be expelled today" humarap ito sakin at sumandal sa table niya

Why he looks so sexy in that position.. Shoot! Why am I like this?!

"but unfortunately a heavy ball or should I say basketball just suddenly pop in the air and hit my head" reklamo nito while giving me a death glare

Wait! Siya ba yung tinamaan ng bola na hinagis ko kanina.. OMOOOOO

Patay ka tanya

Napalunok ako bigla... Magsisinungaling ba ko o magsosorry? Sumasakit na yung ulo ko waaaah!!

tutal umexit naman agad kami kanina di naman niya siguro nakita kung sino yung naghagis ng bola

"Ano naman pong kinalaman ko dun sir?" Inosente kong tanong pero pinagpapawisan na ko ng malamig at nanginginig na yung kamay ko sa kaba

Ngimisi ito at dahan dahang lumapit "you.throw.the.ball" madiin nitong sabi. Dahan dahan akong lumalayo

"H-ha a-ako? May ebidensya po ba kayo? Wala naman po ako sa gym nung nangyari yung aksidente e" umiiwas ako ng tingin

"Really?" Alam kong nakangisi na naman ito "hindi ho talaga ako yun sir!" Maang maangan ko pero para akong natunaw nang maramdaman kong napasandal na ko sa dingding

He grab this chance to corner me with his both hands and deeply stare blank at me nakipagtitigan din naman ako rito

Shet! Taena! Ang gwapoooo

Di ko tuloy napansin na nawala na yung kaba ko at napatitig sa labi nito

"HEY MS TANGA!" nagulat ako nang sumigaw ito sa pagmumukha ko pero agad ding nangunot ang noo ko

"Hey!! Anong tanga? TANYA PO! TAN-Y-A... Tanya" gigil mo kong gwapo ka! Pisti ka

He stared at me blankly.. Ano kayang nasa isip nito? Kinilabutan ako ng ngumisi na naman ito, shet gwapo pa rin!

Ilang minuto akong hindi nakahinga at natulala nang maramdaman ko ang malambot at mainit nitong labi sa labi ko

Ang first kiss ko for my true love...

Biglang naglaho na parang bula

Kahit gwapo siya wala pa rin siyang karapatan para nakawin ang first kiss ko,

Nabalik lang ako sa ulirat nang lumayo siya kaunti at lumipat sa tainga ko

"One lie, One kiss."

Loving You had Consequences (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon