A : Panimula

137 5 9
                                    

BAEKHYUN

Ako si Byun Baekhyun, Isang simpleng tao na palaging iniiwasan sa school. Isa akong nobody sa school na ito at lagi na lang binubully. Kahit papaano masaya parin naman ako at hindi naapektuhan ang aking pagaaral.

'Kawawa naman si Bitchyun-I mean Baekhyun.'

'Malandi ka kasi.'

'BAKLA'

Pero teka nga? Alam kong nagtatanong kayo kung bakit ako pinagbubulungan? Abangan niyo.


Habang naglalakad ako sa corridor may mga studyante akong nakakasalubong at nakatingin sila sakin. May masamang tingin at May nadidiring tingin, Hindi ko na lang pinapansin dahil pag pinansin mo, Iiyak ka lang at matatalo ka pa. Iisipin pa nila na sobrang hina mo. Mahina naman talaga ako at malapit na ring bumigay kung hindi lang sa nagpapalakas ng loob ko. Ang sticky note na galing kay Sehun.

Nang makarating na ako sa locker ko para kumuha ng notes at iba pang notebook para sa second subject ko. May nakita nanaman akong stickynote at binasa ito.

Byun Baekhyun, Napakaganda mo talaga mas maganda ka pa sa umaga, Gusto ko lagi kitang nakikita. - Park

Park Sehun, Anak siya ng mayari ng school na pinapasukan ko, Gwapo at Mayaman siya bunsong anak nila Mr. And Mrs. Park, Mayroon siyang mas nakakatandang kapatid. Si Park Chanyeol. Ang bwisit sa buhay ko. Siya ang may pakana ng lahat dahil inutos niya sa mga istudyante na bullyhin ako,kawawa-in ako,saktan ako,Ipahiya ako. Siya lang naman abg bwisit na surot sa buhay ko. Kaya na kahit Park ang nakalagay sa stickynote hindi ko inisip na siya lagi ang naglalagay nito sa locker ko.


Nakangiti akong nakatingin sa stickynote na hawak ko at inagaw agad saakin yun at pinunit ng dati kong kaibigan, si Lu Han. Si Luhan, Crush na Crush niya si Sehun kaya naman niya ako nilayuan dahil nilalandi ko daw ang Park Brothers. Maraming issue na nangyayari sakin kaya sandamakmak na sama ng loob ang binato sakin dito.


"Wow....wow naman Baekhyun, Feel na feel mo no? Nabibigyan ka lang ng mga stickynotes may panahon ka ng magsaya? Isa ka pa ring LOOSER tandaan mo Baek." Nakangising sabi ni Luhan sabay bangga ng balikat ko at naglakad na ng palayo. Napabuntong hininga na lang ako at napailing sabay pulot ng papel na piraso-piraso at binalik ulit ito sa locker. Kahit na punit-punit kinuha ko pa rin dahil....



Gusto ko rin si Sehun, Mabait si Sehun at Sobrang Sweet niya. Ideal type siya ng mga kababaihan dito sa university pwera na lang sa kuya niyang napakademonyo. Park Chanyeol masungit siya at napakasama ng ugali. Kung ano ang ikinabuti ni Sehun, Yun ang kinabaligtad ni Chanyeol.



"Hey Baekhyun." Speaking of....It's Chanyeol. Tiningala ko siya at nakapokerface lang. Himala at ang kalmado niya hindi agad siya nanapak. "B-BAKIT?" Malakas na sagot ko kaya naman napatakip siya ng tenga at tumingin sakin ng masama.


"Ilagay mo tong bag ko sa room, Magkaklase naman tayo kaya ilagay moto sa upuan ko sa dulo ha. Pag hindi ako nakaupo sa dulo, Patay ka sakin. Kahit may nakaupo doon sa upuan sa dulo paalisin mo pag hindi mo napaalis patay ka sakin." Walang emosyon na sabi niya at binigay niya sakin yung black bag niya at umalis agad. Mabigat yung bag nya at nakakapagod bitbitin.



"Napakabigat naman. Ano ba laman neto? Parang hindi notebook ah." Bulong ko habang bitbitbit paakyat ng hagdan. 5th floor pa yun at hustisya lang mafriend. Hingal na hingal na ako....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[TAGALOG] CASE NO.614: BAEKHYUN | chanbaek ff. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon