The Dream

77 1 0
                                    

Ang sarap ng simoy ng hangin. Napakapayapa ng lugar. Iba't ibang klase ng mga bulaklak ang makikita mo sa paligid. sa bandang duloy ay may isang napakagandang lawa.

Sana ganito ka payapa ang buhay. Sa di kalayuan ay may dalawang magirog na nakaupo sa napakaberdeng damo.

Naglalambingan at nagtatawanan sila. Sa mga mata nila ay makikita mo ang matinding pagmamahal nilang dalawa.

Nilapitan ko sila. Nakapatong ang ulo ng babae sa balikat ng lalaki. Nakaakbay naman ang kamay ng lalaki sa babae. Biglang nag salita ang lalaki.

" Anak..... wag mong pabayaan ang sarili mo. Ipaglaban mo kung ano ang tama. Piliin mo ng maigi ang mga taong paniniwalaan mo. Bantayan mo ang mga kuya mo. " sabi ni daddy

" Papa ano po ang pinagsasabi ninyo? Maayos naman po ang buhay natin dito. "

" Anak mahal na mahal namin kayo ng papa mo. "  sabi ni mommy.

" ma ano po ba ang pinag sasabi ninyo? Nagpapaalam na po ba kayo? Ang aga pa po niyan. enjoyin muna natin ang lugar. "

"  Anak wag mong pabayaan ang mga kuya mo. Palagi kang mag ingat. Mahal na mahal namin kayo. "

" Ma anong drama nanaman iyan? "

" Mag ingat ka anak mahal na mahal namin kayo. "  sabi ni papa.

" Pa Pati ba naman kayo nagdradram- " di ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang silang lumayo. Tumakbo ako upang maabutan ko pa sila.

" Ma, pa wag ninyo akong iwan. " pilit ko parin inaabot. Bakit sila lumalayo? Nagsimula nang magbagsakan ang mangaluha kanina pa nakatambak sa mata ko.

" MA, PA WAG PO KAYONG UMALIS! " sigaw ko sa kanila ngunit di ko sila maabutan.

Umuungol ang dalaga dahil sa kanyang panaginip. Biglang naalarma si manang Rosie dahil sa kinikilos ng dalaga. tinapik niya ito upang magising ang dalaga.

" Iha, Iha gising! " kinakabahan si manang sa ngayayari sa dalaga. Pansin niya'y binabangungot ito.

" Iha gising! " tinatapik niya ang dilag. Unti unting dinilat ng dilag ang kanyang mata.

" Asan ako? " tanong ng dalaghttp://www.wattpad.com/mystories?compose=true&id=35929066a.

" Sa wakas at gising ka na iha. " Relief was filled over the old woman's face.

" Sino ka? ASAN AKO?! " kinakabahan ang dalaga. Hindi niya alam kung nasaan siya. PIlit niyang inaalala ang mga nagyari ngunit wala siyang maalala.

" Iha huminahon ka. Hindi pa kundesyon ang katawan mo baka ma binat ka. " sabi ng matanda.

Sinubikang umupo ng dalaga ngunit di niya magalaw ang kanyang katawan.

" Huwag mo nang subukan gumalaw. Mahina pa ang katawan mo anak. Papagurin mo lang ang sarili mo. "

" sino po kayo? asan po ako? " naiiyak na ang dalaga. Hindi niya alam ang gagawin.

" Ako si Manang Rosie iha. Nasa Isla de La Paz ka. " malumanay na sabi ng matanda.

" Ano po ang ginagawa ko dito? "

" Anak nakita ka ni Senyorito Hermes sa tabing dagat 4 na buwan na ang nakalipas. "

" 4 na buwan? "

" Oo iha. Nang dalhin ka ni senyor dito ay wala kang malay at sugatan. Napakaraming mong pasa. Akala ko nga di ka na mabubuhay ngunit sa awa ng Diyos ay nabuhay ka. " sabi ng Matanda

" Iha ano ba ang pangalan mo? " tanong ng matanda sa kanya.

" Hindi ko po alam. Wala po akong maalala. " tapat na sabi ng dalaga sa matanda. Nabigla ang matanda sa sagot ng dilag. Hindi niya akalain na makakalimutan ng dilag ang kanyang pagkatao ang kanyang mga alaala.

" Ano nga po ulit ang pangalan ng lalaking tumulong sa akin? " tanong ng dalaga sa matanda.

" Si senyorito Hermes. Hermes Grammaticus. " sabi ng matanda

" Hermes Grammaticus." 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Life With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon