Set-up

364 30 6
                                    

Edward's Pov

Maaga akong nagising ngayon dahil marami pang kulang ang dapat kong idagdag gaya na lamang ng mga balloons na baymax at siguro is yung ribbon para sa lugar na i-oocupy ko para wala muna masyadong malikot na papasok sa parte kung saan ko siya susurpresahin. Yung parang sa mga crime scene na kulay dilaw. Patang ganu para wala munang makapasok habang nagde-decorate kami.

Kasama ko ngayon ang tropa except kay Kisses Vivoree and Maymay. Sinabihan ko sila na igala muna nila si Maymay at pumayag naman sila sa plano. Pero muntik na ring mabulilyaso ang aking plano dahil maaga pa dapat pupunta si Maymay sa parke upang dumalaw, pero buti na lamang nung papaalis pa lang siya sa bahay nila ay naabutan siya nina Vivoree at Kisses at pinilit muna nila na gumala muna.

Andito kami ngayon sa parang munisipyo ata to or hall. Para sana mag paalam na gagamitin yung mga 1/4 ng parke para sa surprise at agad rin naman silang pumayag at sabi pa nga ng iba ay kung may maitutulong sila ay pwede silang tumulong. So ayun hiningi ko na pabor ko sa kanila na sila nalang maglagay ng ribbon paikot sa parte ng parke na gagamitin ko lamang sa pag surpresa. Agad rin naman silang pumayag kaya dumeretso na kami sa parke.

Habang sila ay naglalagay ng ribbon sa palibot ng parke ako naman ay bumili na ng mga baymax na balloon. Inikot ko talaga ang buong parke para marami-rami rin ang mabili kong mga lobo.

Nakahanda na ang mga ribbon sa palibot ng parke kaya nagsimula na akong mag decorate ng plagid.

Naglagay lang naman ako ng mga petals ng rosas na nakasulat ay Bestfriend sa damuhan. Pagkatapos ay ikinalat na rin namin ang mga lobo naming pinamili. Yung iba namang mga baymax naman na lobo ay ikinabit ko sa mga ribbon kaya sa paligid ng parke ay puro baymax na lobo ang makikita mo. Tapos medyo marami-rami pa namang lobo na baymax ang naiwan kaya ibibigay ko nalang to sa tropa para ibigay nila kay May-may. Ako naman bale dalawang bouqet ang ibibigay ko kay May-may. Yung isa ay bouquet ng Bulaklak na paborito niya at yung isa naman ay bouquet ng mga stuff toys na baymax.

Kung gaano kabilis yung galaw namin para matapos agad yung pag de-decorate ay ganun rin yata kabilis yung tibok nang puso ko. Hindi ko malaman kung sa tuwa ba o sa kaba. Haaays. Goodluck nalang sakin mamaya. (Crossfingers)

* * * * * * * *

May-may' POV

Bago ako lumabas kanina sa bahay ay sinabihan ako ni mama na may susundo daw sakin. Kala ko naman kung sino ang susundo, mwehehehe. Kala ko si Enrique my labs. :*

Yun pala sina Kisses lang at Vivoree. Ewan ko nga kung saan yung lajad nang dalawang to ni hindi naman nila ako sinabihan tsaka hindi rin naman sila nag sabi na may pupuntahan pala kami. Bigla-bigla nalang silang susugod dito tapis bigla na lang silang manghihila. Mga loka talaga to. Haaays. Lahat na ata kame mga loka-loka :)

* * * * * * * * * * *

Marco's POV

Andito parin kame sa parke. Buti nalang at agad namin natapos ang pagdedecorate sa buong parke. Masaya ako para sa mangyayari pero at the same time, kinakabahan para kay Edward para  sa magiging reaksyin ni May-may pag nalaman niya ang katotohanan.

Kanina habang naglalagay ng mga baymax na balloon sa ribbon na nakapalibot sa parke ay nakita ko si Edward na minsan ay natutulala taois sisimangot maya-maya ay ngingiti. Hindi ko nga alam kung dahil bato sa kaba niya at saya para sa mangyayaring pag-amin niya mamaya o dahil sa mga naaalala niya sa parke na ito kasama si Maymay.
Naloko na, mukhang pati sya nahawa na rin sa kabaliwan ni Maymay. Haaays, mag bestfriend nga talaga sila.

* * * * * * * * * * *

Edward's POV

Haaays. Eto na talaga. Mamaya na talaga ako aamin na ako yung taong nangiwan sa kanya. Yung bestfriend na masasabi kong nang-iwan sa ere. Pero sana naman ay hindi siya magalit. I hope so.

******************

Hi guys, Im so sorry dahil halos mag-iisang buwan ata akong hindi naka uodate. Sana po ay patuloy nyo paring suportahan tong kwento na ginagawa ko. Maraming salamat din po sa lahat ng nag vote and comment. Nagupdate po ako ngayon dahil may activity kami sa school for three days kaya hindi ako magiging updated so enjoy reading guys. Short update nalang muna. Thanks a lot. :*

Hello Old Friend (MayWard Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon