Tiktilaok....
Tiktilaok....
Sigawan nang mga manok na nasa loob nang kanilang rehas at labas nang rehas.
Alas singko palang nang umaga ay dilat na ang bawat isa para sa mga gawaing pang umaga.Si Mama nagsasaing na, si papa naman nagpapakain na nang mga alagang hayop namin ,
at ako naman?
nakatayo sa gilid nang pinto na tulog daig ko pa ang tuod.
"Ika, ano pa ang tinatayo-tayo mo diyan simulan mo nang magwalis sa bakuran at marami pang gawain ang dapat tapusin" pagpuputak ni mama
"Aish..opo" pagmamaktol ko,
waaaaa..... gusto ko pang matulog.
Napuyat kasi ako kagabi , may kunting salu-salo kasi sa bahay nila Joanna kahapon dahil kaga graduate lang namin nang highschool kaya ayon madaling araw na ako nakauwi at mga pasado 1am na din akong nakatulog, sa kakaisip ni ...
Gosh ! basagolera ako, Oo.. pero 'pag siya katabi ko hinayupak tamimi ako. Kaya ayon nagtagal nang kunti.. hehehe!!!
Pero gusto ko pa talagang matulog 😰😰😰
"'wag mong hawakan ang kamay ko, nakakahiya Ri~ ""Aray ! Ano ba naman yan ma, ang sakit " reklamo ko,tama ba yung batokan ka? at sa ulo pa ha? Pero ano yung pinagsasabi ko kanina? Grabe kahit puyat ako nakuha ko pa ding mag daydream sa kany~
"Ano na Ika mag aala-sais na, kumilos kana dyan ang dami pang tambak na trabaho, maglalaba pa tayo mamaya" putak ulit ni mama.
"Opo, heto na po maglilinis na po! " hahayyy...
Umpisa pa lang nang bakasyon ko pero di ko feel ito, mas gusto ko na yatang umalis dito.
Sana may balita na.
Pagkatapos nang mahaba-habang seremonyas, which is nagwalis ng bakuran, tinulongan si nanay sa labahan, naghugas ng pinggan at nagsampay sa mga nalabhan na labahan,sa wakas oras na nang pahinga, mapuntahan nga muna sila jade at joanna sa mga lungga nila :)
⭐⭐
Kararating ko lang ito agad ang bungad sa kaibigan kung ulol.
"O,Erika buhay ka pala ? uie.. lumandi si lola kagabi katabi niya ang precious crush niya.. ayieee..."
"tumahimik ka nga Ja, " saway ko
"Pero sa'n lakad natin ngayon? may bubugbogin ka ba today ha? " isa patong babaeng 'to pumapangalawa sa nanay ko, pigilan niyo ko baka siya ang unang bubugbogin ko!
"'wag mo kung simulan Ja kung ayaw mong dumugo yang ilong mo! " niyukom ko ang mga kamay ko pero agad na halata ni jaden at tumakbo ito,
haha... kahit kailan talaga, loko talaga!
Hinabol ko siya hanggang sa makarating kami sa bahay nila joanna.
"ha.. ha.. ha.. tang*na ka erika pinagod mo ako, ha.~ " hingal na sabi jaden,
"bopols ka pale eh, sino bang nagsabi sayo na tumakbo ka? ha? Ayaw mo nun morning exercise para mabawasan yang belbel mo, hahaha " natatawa kung sabi
"sa tingin mo Erika gising na kaya si tandang joanna? haha "
"hahaha, sira ulo ka talaga 'pag ikaw narinig ni aling joanna tiyak lag~ "
"Eheemmmm.... "
O____O
=-O
"takbooo....." hahaha, narinig kami ni joanna, Pero asang maaabotan niya kami ni jaden. Si joanna na talo pa si lola isak pag galit, laging Highblood kaya nga gustong kulitin ni jaden yan eh,