IM INLOVE WITH MY BEST FRIEND

25 2 0
                                    

Ako si Joshua, minsan ang tawag nila sa akin ay Josh
At nung 17 years old ako naging best friend ko si Aira
Lagi kami magkasama sa lahat ng kalokohan sa pang titrip
Lagi kaming magkasama
Lagi kaming nagkakasundo sa lahat ng bagay kaengotan man o kahihiyan pa yan wala kaming pakialam.
At sa halos araw-araw na lagi kaming magkasama,
Hindi ko maiwasan na hindi mahulog sa kanya.
Pero hindi ko ito sinabi sa kanya. Alam ko nakaka-bakla pero hindi ko kayang sabihin sa kanya
dahil natatakot ako na baka layuan niya ako.

Pero isang araw, kinailangan kong umalis papuntang ibang bansa at bago ako lumayo, nilakasan  ko na ang loob ko.
Umamin ako sa kanya na gusto ko siya matagal na.
Pero sinabi niya hindi pa siya handa at ang bata pa namin
Nasaktan ako pero tama siya ang bata pa namin.
Kaya inintindi ko nalang.
Dahil wala naman talaga akong karapatan.
Dumating ang araw  na nagkalayoan na kami
Pero hindi kami nawawalan ng oras sa isa't isa.

Lumipas ang mga taon nakabalik na rin ako sa Pilipinas.
Hindi pa rin kami nagkikita at inaamin ko na mahal ko pa rin kahit matagal na panahon na ang lumipas.

Pero isang araw nagkita kami sa park at inamin ko ulit sa kanya na mahal ko pa rin siya.
Pero binaliwala niya lang iyon.

Lumipas ang ilang araw, nalaman ko na may nanliligaw na sa kanya at sa pagkakaalam ko malapit na maging sila.
Nasaktan ako. Sobra.
Pero kailangan kong tanggapin. Na ang TANGA ko.
Na hindi man lang ako gumawa ng paraan para ma pa lapit sa kanya.
At kailangan kong tanggapin na wala na siya. Na meron na siyang minamahal.
Pinilit kong kalimutan siya kahit mahirap. Pinilit kong maging masaya kahit wala siya.

At dumating nga yung araw na nakalimutan ko na siya.
Nagawa ko ng maging masaya kahit hindi ko na siya nakaka-usap.

Isang araw, nagkayayaan ang barkada na gumalaw sa Tagaytay. At pagdating namin don pinili ko munang mapag-isa.
At hanggang sa may nabangga
akong babae na sa   tingin ko ay nakita ko na noon.
At tama ako. Nakita ko ulit siya. Si Aira.
Ang babaeng nagpatibok ng puso ko.
Pero siya rin palang dudurog nito.
Pakiramdam ko tumigil ang paligid ko nung panahong iyon.
At nagulat ako ng nakita ko na tumulo ang luha niya.
At bigla niya akong niyakap.
Doon na siyang nagsimula magsalita
Tinanong niya kong kamusta na ako
Sinabi niya na ang laki na daw ng pinagbago ko.
At ang dami niya pang sinabi habang nakayakap siya at tumutulo ang kanyang mga luha. Akala ko tapos na sya
Pero nagulat ako sa sinabi niya.

Sinabi niya na

"Mahal kita noon pa at nalaman ko lang yon nung nawala ka na. "

Tumulo ang luha ko ng sinabi niya yon. 
Natulala ako at hindi ko alam ang gagawin ko.
Pero tinanong niya ako sa dulo
tinanong niya kong may nararamdaman pa daw ako sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ang isa sagot ko.
Pero isa lang ang pumasok sa isipan ko.
At yun ay sabihin ang tunay na nadarama ko.

"Aira siguro noon naging tanga ako sayo
Siguro minahal kita ng sobra noon.
Pero iba na yung ngayon.
Dahil natauhan  na ako.
At nalaman ko na sa sarili ko na
Kaya ko pala na wala ka.
Kaya ko pala maging masaya kahit wala ka.
Kaya Aira Sorry.
Ayoko na maging tanga dahil sayo
At Ayoko ng mahalin ka pa. Patawad. "

PATAWAD

AT

PAALAM

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm Inlove with my Best friend ( One Shot )Where stories live. Discover now