Lovestory 64
--------
Personal message (PM)
7:37 PM
Spike: Frosty?
7:38 Pm
Frosty: Yes?
Spike is typing....
Frosty: Spike.. Sorry pala :3
Spike: Ha? Sorry saan?
Frosty: Basta sorry
Spike: Gulo mo.
Frosty: Ano pala kailangan mo?
Spike: Wala lang haha
Spike: Bakit ka pala nagsosorry?
Frosty: Hindi ko din alam. Basta kailangan ko magsorry. Naguguluhan na ako.
Spike: Ngek hahaha
Frosty: Sabi ko kay Tres, crush kita.
Frosty: Pero ang totoo...
Spike: Pero ang totoo, sya ang crush mo.
Spike: O baka nga mas grabi pa dun. Tama ba ako?
Frosty: Mahal ko na nga yata yun e.
Spike: Hahaha sabi na eh.
Frosty: Ewan ko ba! Bakit ko sinasabi to sayo. Eh alam ko namang sasabihin mo to sakanya.
Spike: Hindi ko sasabihin.
Spike: Pero diba, aware ka namang may gf sya?
Frosty: Oo. At yun yung masakit. Alam kong may gf sya pero hinayaan ko pa din na mahulog ako sakanya.
Frosty: Nagising nalang ako.. mahal ko na pala sya.
11:01 Pm
Spike: Mas nauna kayong naging operator kesa sa akin.
Spike: Hindi ko din alam kung paano kayo nagsimula sa ganitong sistema.
Spike: Hindi ko din alam kung paano kayo naging close.
Spike: Pero that day, noong nameet ko kayo akala ko kayo. Pero hindi pala.
Spike: Yung sa sobrang close nyo, akala namin kayo. Akala namin may relasyon kayo.
Spike: Inshort, parang kayo pero hindi.
Spike: Pero sana hindi mo hinayaan yung sarili mong mahulog sakanya. Kasi in the first place may gf sya. May mahal syang iba, bago mo pa sya nakilala. Kung anong meron kayo, friendship lang yun. Hanggang dun lang yun.
11:02 Pm
Frosty: Alam ko. Kaya nga ako naiinis sa sarili ko eh. Kasi ang tanga ko.
11:03 Pm
Spike: Lahat naman ng nagmamahal, nagiging tanga.
Frosty: Kaya nga dinadaan ko nalang sa joke ang lahat.
Frosty: Mahal ko sya pero kailangan kong itago. Kasi alam kong di masusuklian.
Spike: Pero mahirap magmahal ng patago. Kasi pag nasaktan ka, patago din.
Frosty: Hayy.. mahirap magmahal ng taong di mo naman nakikita.
Spike: Mahirap magmahal nang taong sa chat mo lang nakilala.
Frosty: At mahirap magmahal nang taong may mahal nang iba.
Spike: Oo hahaha
Spike: You fell inlove with him not because of his looks, but because of his personality. Siguro nga ganun lang talaga sya. Caring! Friendly! Kaya akala mo may something.
Spike: Totoo pala yung kasabihang "Girls fall inlove with funny guys. Personality catches the heart. Not the looks"
Frosty: I feel sleepy na Spike. Thanks sa time.Promise me na di mo sasabihin sa kanya.
Spike: Yeah! I promise. Sige matulog ka na. Maaga ka pa aasa bukas hahaha
Frosty: Hahahaha
**
BINABASA MO ANG
Lovestory ni OP [COMPLETED]
HumorCOMPLETED Op ni Frosty Op ni Tres Op ni Sassa Op ni Spike Op ni Note Op ni Pop Operators- Ang tawag sa mga taong nag-ooperate ng isang fictional character account. Mga operators na nagkaroon ng pagkakaibigan. May mabuo din kayang pa...