Chapter 1 - You Captured my Heart

10 0 0
                                    

Sandra's Pov

Masayang masaya ang pagpupuyat ko. Bukod sa nanghihinayang ako kay Ryan, Ang saya kasi malelate na ako.

"Ang bagal mo naman Luis! Malelate nanaman tayo oh!" Sigaw ko. Ang tagal tagal kasi. Naliligo palang. Eh anong petsa na?
Makaalis na nga at maiwan to.

***

Buong biyahe ko papuntang School si Ryan lang ang naiisip ko. Kamusta na kaya siya? Naaalala pa kaya niya ako? Kaso ako pala yung may naalala. May gusto siya sa isang babae pero torpe siya. He doesn't know how to talk to girls.

Paano kaya niya ako maliligawan kung ganoon parin siya? Joke. HAHA. Assuming ko nanaman.

Ilang taon na kaya siya? Torpe siya diba? Mga siguro Highschool lang din. College tas torpe? Pwede?? Pero Let's just imagine na highschool din siya.

Hanggang imagine nalang ba talaga ako? Eh malamang! Canada yon Sandra! Mayaman ka para sundan at Ipahanap mo yon?

Hays. Sayang. Pero kung kami talaga diba ang magkakatuluyan gagawa at gagawa si God ng plano.

HIHIHI. Kinikilig tuloy ako.

Pagpasok ko ng gate hinanap ko agad yung orasan ng school namin. Paano ba naman, Masyadong Advance at OA nung orasan namin sa Room, hindi pa sana ako late ng 5 minutes, dahil doon nalelelate ako!

Phew. 10 minutes before time. Sa room, 5 minutes before time.

Naisip ko nanaman si Ryan. Pumapasok kaya siya? Matanda na kaya yon? Ako kaya ang pipiliin niya? Char, Para ko naring sinabing Si Shandy o Ako? Hahaha. Tawa ka nalang Sandra ng mga tatlo.

"Nicole! " Tinawag ko agad ang Bestfriend ko. Siya lang naman kasi ang maayos sa WillFord Academy. Nako ang mga babae rito, puro make up, anywhere make out, at pwede mo silang iTake out. Hay nako! Mapapairap ka nalang talaga sa mga tao dito. Yung iba selfie ng selfie eh puro filter naman. Nagmumukha pa yung isang scarecrow kasi ang payat na nga naka cap at tshirt and jeans pa.

Hey! Iba ang Payat sa Sexy. Iba ang Maganda sa Nagmamaganda.

"Bes! Do you have kwento kwento to me? " I sighed. Mukhang hindi ata magandang ikwento dito kay Nicole ang Lovestory to be ko kay Ryan. Eh ang conyo conyo eh! Ang sakit sa Side Bangs! Ay wala pala ako non. Hindi ko siya maintindihan.

"Bes, hindi ba't sinabi ko sayo na ayusin mo ang lengguwahe mo? Hindi kita maiintindihan niyan. Lalo pa't may ikukuwento ako sayo." Inirapan naman ako. Wow ah.

Lahat ng estudyanteng babae dito dalawa lang ang klase. Maganda at Dyosa.
Wala naman kasing ginawang Pangit si God diba?

Yan si Nicole? Kahit nakakasakit ng ulo ang lengguwahe niyan, Dyosa yan. Mahabang kulay light brown ang buhok, makapal ang kilay na bagay sa skin tone niyang medyo kaputian, at matangos talaga ang ilong. Yung tipong mahihiya si Mount. Mayon sa Ilong niya. Haha. Tawa tawa tawa.

Eh ako? Saan kaya ako dun sa dalawa? Ryan paki sagot nga.
"Ok. Fine. I'll make ayos ayos na my lengguwahe. So Bes, What's the kwento? Is it tungkol about Science nanaman?" Natawa nalang ako sakanya. Tungkol na about pa. Ibang klase talaga tong babaeng to. Babae ba talaga to? "Nope. Did You know that I met a guy online? A stranger to be exact. I can't explain this feeling but Im eager to find that guy again..." Hindi kami masyadong 'mayamanin' pero fluent ako sa English.

My Dad is an American while my Mom is a Filipina. Now, It's up to you how will you judge me. Judge me or what, I don't care.

"O.M.G" Nilagyan pa ng Space nitong babaeng to. Dyosa naman kaya patawarin na. "That's Nakakainggit! You know, you are very talino talaga! Siguro, He is your Soulmate! Ayieee! Im so peanut sayo!" Matutuwa na sana ako kasi naiingit siya -- este kasi sinabihan niya akong 'Soulmate' ko si Ryan. Kaso yung dulo talaga, 'Im so Peanut sayo!' What kind of Language is That?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Is It True, That Love can be You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon