Nakarating na kami sa isang 5 star hotel kung saan gaganapin ang sinasabi niyang event mukhang mapapasabak ata ako auh, akala ko simpleng okasyon lang Hindi pala. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sabay kaming naglakad papasok.
" sandali ano pala ang role ko dito?" Tanong ko sa kanya
" girlfriend ko." Cool niyang sagot na ikinanganga ko naman. Kaninang umaga lang kami nagkakilala may instant boyfriend na ako nice. Hindi ko napansin nasa harap na pala kami ng isang malaking pinto pagbukas nito iniluwa samin ang maraming mayayaman at kilalang tao sa industriya.
Dire-diretso ang lakad namin at napapansin kong nakakakuha kami ng atensiyon mula sa ibang tao
"Pinagtitingan nila tayo."
" siyempre maganda ang kasama ng nag-iisang anak ng may ari ng isang biggest company sa bansa"
" what the-"
" sorry for not informing you."
" hai... Do I have a choice andito na ako."
" let's go" sabi niya kaya kumapit ako sa braso niya, may lumapit na may kaedarang lalaki sa amin.
" son who is this lovely lady na kasama mo?" So tatay niya pala ito.
" Zaira Mae Fernandez dad."
" its an honor to meet you sir." Sabi ko
" nice to meet you too iha, Tito nalang ang itawag mo sakin, so tell me about your self young lady."
Tiningnan ako ni Dave na halong kaba, ayan kasi makapanghila ka lang ng kung sino nakalimutan ata niyang napakataas ng pamilyang pinanggalingan niya.
" I'm Zaira Mae Fernandez, 23 yrs old already, graduate of Bachelor of Science in Accountancy and I'm a Certified Public Accountant and also the Accounting Manager of the Jimenez Group of Company."
" one of biggest company that managing a lot of hotel in the whole Philippines."
"Yes tito ." napabuntong hininga naman si Dave sa narinig niya. para siyang nabunutan ng malaking tinik.
" your a successful young lady at your age, nakaswerte naman ata ng anak ko."
" oo nga po Tito dahil hindi lang ako maganda matalino rin. Hahah" totoo naman auh
" nakakatuwa ka naman iha, halika ipapakilala kita sa asawa ko" Actually sanay na ako sa mga ganitong event pero hindi ko lang talaga hilig ang umatend ng ganito ka pormal na event.
" sige po Tito." Naglakad kami papunta sa unahan
" you should really thank me later." Pabulong kong sabi Kay Dave na ikinangiti niya
" mukha nga." Sagot niya
" iha this is my wife Kathereen Esmerald "
" its nice to meet you madame, I'm Zaira Mae Fernandez."
" sa wakas may ipinakilala ring girlfriend tong anak namin, at napakaganda mo iha, Tita nalang ang itawag mo sakin."
" Sige po tita."
" maupo na tayo." Dave
" sandali magpapakuha ako ng pagkain para satin, excuse me." Daddy ni Dave
Marami pa silang tinanong sakin buong gabi at ipinakilala rin nila ako sa iba pa nilang kamag-anak at nakakatuwa kasi ang babait nila. Hindi na ako nagtaka na sila pala ang may ari ng ilang sikat na establishment sa buong Pilipinas
" mom, dad we need to go kailangan ko pang ihatid si Zaira sa kanila, lumalalim na ang gabi." Dave, nahalata niya sigurong bored na ako
" auh sige mag-ingat kayo sa daan and nice meeting you Zaira." Tito Andrew
" Hope to see you again iha." Tita Kathereen
" auh cge po Tito, Tita."
I kissed them bilang pamamaalam, natatawa ako sa ideyang hope to see you again, hahah
BINABASA MO ANG
Sorrow from Within
Romancegeneral fiction story completed started: Dec. 12, 2016- Jan. 13, 2017