(c) catswifty
---------
"Do you mind if I sit here?"
Napangiti ako kasabay nang pagtulong muli ng aking mga luha.
Those were the first words you told me 7 years ago. Sa waiting shed ng school. Sa sakayan ng bus pauwi. Wala akong katabi nun kaya nilapitan mo ako.
"Ikaw yung transferee diba? I'm harvey, by the way."
Ang boses mong hinding hindi ko malilimutan. Na sa gitna ng madilim na kawalan at bingit ng kamatayan, mukha at mga ala-ala mo pa rin ang naiisip ko.
Parang sirang plaka na paulit-ult na pinapaalala sakin ang lahat. The memories that were too precious to be forgotten.
"Ano! Nasaan ang siraulong gago na yan nang makita niya ang hinahanap niya! Sana sinabi mo sakin! Para ako nalang ang sumundo sayo!"
Galit na galit ka pa noon nang malaman mong hindi ako nasundo nung boyfriend ko dahil may importante siyang inasikaso, na umuwi ako ng mag-isa kahit alas-onse na nang gabi noon. Sinabi mo na pupuntahan mo ako ora-mismo kung sinabi ko lang sayo.
Nakakatouch.
You were so concerned for my safety that time. You were such a sweet friend, back then. Sana wala nalang nagbago.
"Kaye, mahal kita."
Inamin mo sa aking mahal mo ako pero ang tanging naging tugon ko lang sayo ay isang hikbi.
Umiyak ako.
Tuloy-tuloy sa pag-agos ang mga luha ko nung mga panahong nagtatapat ka sakin.
"Kaye, mahal kita! Noon pa! Bago ka pa ligawan ni Nathan. Bago mo pa siya matutunang mahalin, mahal na kita. At hinding-hindi magbabago iyon."
Umiyak ako nang umiyak at pinunasan mo ang mga luha ko. Pinatahan mo ako at matapos iyon ay doon mo ako hinalikan.
Our very first kiss.
Hindi ko nagawang magpugmiglas, sa halip ay tumugon ako sa halik mo. Nang matauhan ako ay sinampal kita. At tuloy tuloy akong umiling.
Mali! Mali ito! May boyfriend ako! At mahal ko siya! Hindi ito pwede! Mali ito Harvey.
Umalis ako sa harapan mo nang walang binibitiwang salita.
Umalis ako pero naiwang kasama mo ang puso ko.
Wala kang kaalam-alam na nasaiyo na ang puso ko simula pa lang noong mga panahong iyon.
Kinabukasan noon ay nakipaghiwalay ako kay Nathan. Sinabi ko sa kanya na I fell out of love with him, at mayroon akong ibang mahal. Ayoko nang patagalin pa ang relasyon namin ngayong malinaw sa akin kung ano ang totoo kong nararamdaman. Ayokong siyang lokohin. Naging madali sa amin ang hiwalayan dahil napaka maunawain ni Nathan.
Pero hindi ko muna pinaalam iyon kahit kanino, lalong lalo na sayo, Harvey.
Hindi ko alam kung bakit, pero ayokong munang malaman mo ang tungkol dun. Gusto kong makita kung hanggang saan ang kaya mong gawin para mapatunayang mahal mo nga ako.
Pero nagkamali ako.
Matapos mong umamin sa akin, akala ko mag-eeffort ka. Akala ko liligawan mo na ako. But it wasn't what I thought.
Lumipat ka ng school. Nag-deactivate ka ng social media accounts. Nagpalit ka ng number. Umalis ka ng biglaan.
Iniwan mo ako.