I like you , I love you

4 2 1
                                    

Hanna's POV

"Kyaaaaaaaaaaaaaaah." Hindi kami magkamayaw ng dumaan sa harap namin si Jacob . Ang gwapo niya talaga . Sana ako nalang ang babaeng papakasalan niya balang araw .

Nagpa-autograph na kami isa isa at nagpa-picture. Hays , hindi ko alam kung bakit kapag nasa tabi niya ako ay daig ko pa ang nababad sa ref at lagi akong nafre-freeze.

***

One week after....

Kakatapos ko lang mag linis ng kwarto ko. Hihiga na sana ako ng makita ko sa kama ko ang isang lumang photo album . Hindi ko pala ito naitabi . Bago ko ito iligpit ay binuksan ko muna ito.

Nakita ko ang mga lumang pictures ko . Kasama ang old friends ko . Speaking of old friends ay napangiti ako ng makita ko ang picture namin ng dati kong kaibigan . Dati ay araw araw ko siyang nakikita sa playground . Nakikipaglaro ako sa kanya kasama ng iba ko pang kaibigan . Yun nga lang ay after two months ay hindi na siya bumalik pa sa park , ni hindi ko alam ang buo at tunay niyang pangalan , ang alam ko lang ay koby pero bago iyon ay nag abot siya saakin ng bracelet . At hanggang ngayon ay suot ko iyon , malaki kasi ito saakin at dati ay hindi pa nagkakasya.

*knock knock*

Itinabi ko na ang photo album at binuksan ang pinto.

"Nak..."

"Oh ma? Bakit po?" Parang may ibang nararamdaman si mama . Parang anytime pwede siyang tumalon or ewan.

"Bumaba ka , may bisita ka."

"Ha? Sino naman po?"Wala naman akong natatandaan na may pinapunta ako ngayon sa bahay namin.

" Bumaba ka na ng malaman mo." Sumunod nalang ako kay mama . Pagkababa ko ay dumiretso si mama sa kusina dahil mag rea-ready daw siya ng 'sosyal' na merienda. Tss . Ano ba nakain ni mama?

Nakita ko ang isang lalaki sa sala namin . Nakatalikod siya pero he looks familiar....

Hindi muna ako lumapit at biglang tumibok ng napakalakas at napakabilis ang puso . Pwede na ba akong mahimatay ngayon?

"Kaite." Nagulat naman ako ng tawagin niya ako sa ganoong pangalan . Kung kilala man niya ako bilang fan niya ay hanna lang iyon pero bakit kaite?

"Ja-jacob?" Inayos ko ang sarili ko at nilunok at naipon kong laway (Ew.) "Bakit ka nandito? At bakit mo ko kilala ? At bakit alam mong bahay ko at...." Napatigil ako ng marealize kong wala na akong masasabi , medyo ngumisi pa siya ,hays ang gwapo -_- Sige nga Eh bakit ang gwapo mo?

"Pwede ka ba munang sumama saakin bago ko sagutin ang tanong mo?" Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at sumama ako sa kanya . Nagpaalam kami kay mama at naglakad papunta sa....

"Playground?" Dinala niya ako sa playground ng village namin. Bakit kami nandito?

"Halika muna." Umupo kami sa swing . Mabuti nalang at walang katao tao dahil maunti lang ang nakatira dito at mga sosyal pa.  Meron ding ibang artista.

"Pwede ba magtanong muna ako?" Nag nod naman ako.

"Two years palang mula ng sumikat ako , so .. Gaano na kita katagal na fan?"

"Simula ng sumikat ka?" Hindi na ako nahiya pa at ginamit ko na ang tunay na daldal ko.

"Actually hindi ka pa masyadong sikat fan mo na ako, alam mo super duper akong maging fangirl."

"Talaga ? Ikwento mo nga!" Nakangiti niyang sabi . Feeling ko ay magaling siyang makinig so itotodo ko na ito.

"Well , sa kwarto ko nakatago ang banners na ginalagamit ko sa guesting at shows mo . Kung nasan ka , sinusundan kita , nung nagperform ka sa cebu ay sinundan din kita . May collection rin ako ng albums mo . Posters , lahat ng gamit na konektado sayo meron ako . Ni hindi na nga makita yung pader ng kwarto ko dahil sa posters mo eh. Alam mo naisip ko nga..... Pano kung isang araw maging tayo? .... ...

..

..

HAHAHAHA , pero syempre mangyayari ba yun?? Hindi diba? Alam mo may aaminin ako sayo .. Feeling ko sa loob ng two years nagustuhan na kita . I think i like you jacob." Ang kapal ng mukha ko ng sabihin ko yun sa katulad niya . Im just ORDINARY and he is an ARTIST , ACTOR , SINGER . Pero wala eh . Lahat lumabas , hindi ko lang alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanya.

"Talaga? Two years? Ang daya mo naman eh." Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.

"Ano?"Tanong ko. Hindi siya sumagot at may binigay siya saaking picture

" Teka.... Ako? At si Coby?" Napatingin ako sa kanya . Posible kayang siya si Coby?

"Tama ka kaite . Ako si coby . Four years ago kasabay ng unti unti kong pag aartista ay hinanap kita . Nalaman ko na nandito ka parin pala . And thats good . Gumagawa ako ng fake account para i stalk ka sa social media . Naguutos pa ako para malaman kung okay ka ba. Nung una kitang nameet ay nagulat ako . Fan na fan pala kita? Yun nga lang naduwag rin ako . Pero alam mo kung ano yung madaya yun?" Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin."Two years mo na pala akong gusto pero three naman na kitang mahal."

Hindi ako makapag salita sa sinabi niya.

"Three years ago ng marealize ko kung bakit ginagawa ko yun . At buti na lang nalaman ko rin ang dahilan at yun ay dahil MAHAL KITA"

The End.

I like you , I love you
(Written by: Juliana_Kate)
_________

PLEASE FOLLOW ME . I think gagawa pa ako ng mga stories so wait lang kayo~~~.

BYE! LOVELOTS!!

I like you , I love you. (OneShot)Where stories live. Discover now