one

14 0 0
                                    


*hi friends i know this is something new i just wanted to give it a try. lovelots x


---

*Micah*


"Hoy panget!" sigaw ng gunggong kong bestfriend habang tumatakbo palapit sakin.


"Ayos ah! I miss you din ha!" sabay yakap ko sakanya. 


First day of school kase namin ngayon sa Charleston High, kaya itong loko loko kong bestfriend 'di mapakali since two months din kame 'di nagkita, dahil sa summer break.


"Eto naman namiss kita, ang tagal ko ring walang mapagtripan" nakangiti niyang sinabi saken na para bang nangaasar.


"Wow really J, really, I'm so touched" sarcastic kong sinabi sakanya.


"Miss Micah, kailangan ka na sa stage for recognition" may sumingit bigla sa aming Student Council.


"Ay ganon ba? Sige I'll be over" sinabi ko sakanya at pumasok na rin sa school namin kasabay si Jadem.


Habang naglalakad kame papunta pa sa quadrangle kung saan doon pinagtipon tipon ang mga students para sa short program. As usual, yung mga babaeng nadadaanan namin halos magwala nung nakita yung kaibigan ko.


"Luh grabe OA" bulong ko habang nakatingin sakanila.


"Sorry, what?" tanong ni Jadem kasabay ng pagtanggal ng nagiisang earphone niya sa tenga.


"Wala, wala" umiiling kong sinabi. Napatawa nalang siya saken at bulong ng "monggoloid".


Pagtapak na pagtapak namin sa quadrangle agad kaming sinalubong ng mga kaibigan namin.


"Guys! They're here na!" sigaw agad ni Cher at tumakbo para yakapin ako. "Girl! Kamusta na!"


"Eto still pretty" sinabayan ko ng paghairflip.


Di na nagdalawang isip si Cher at binatukan ako "Crazy! What I mean is, kamusta kayo ni J? More than friends na ba?" bigla niyang kinurot yung tyan ko habang kinikilig sa pagbigkas palang niya ng initial ni Jadem.


"Ikaw! Baliw ka talaga, we're bestfriends" hinila ko yung onti ng buhok niya bilang pag-ganti, at sinagot niya lang ng tawa.


"Ano ba yan, still no improvement, it's been years!" 


"Bestfriends forever nga kame" natatawa kong sinabi sakanya.


"Tse" sabay eye roll saken. 


"Micah! Tawag ka na sa stage" tawag saken ni Jadem habang nakaturo sa stage.


"Ay oo nga pala" nagmadali na ko umalis papunta sa stage. 


Pagtungtong ko sa stage, sa harap ng buong Charleston High, kasabay ang pagbanggit ng pangalan ko, sinimulan ko na agad yung maikli kong speech.


"Welcome back to Charleston High, sa mga hindi pa nakakakilala saken, I'm Micah Elise Charleston, grandaughter of Fredrick Charleston, and also Head of the Social Media Club. I hope no one gets intimidate, I'm also a student here in Charleston, I expect good things this year, once again, Welcome back!" Pagtapos ng speech agad ng nagpalakpakan at bumaba na rin ako ng stage.


"Grabe talaga, how to be you po mongs" sinalubong ako ni Jadem at kinuha ang bag ko.


"Mongs?" Tanong ko sakanya.


"For short ng monggoloid" pangiti niyang sinabi saken.


"Grabe ang sweet sweet mo" kinurot ko yung pisngi niya hanggang sa napasigaw siya ng napakalakas ng "Aray!" napatingin yung mga tao sa paligid namin.


Agad na kaming umalis papunta sa SSC room kung saan may meeting ako. 


"Ba yan! First day na first day may meeting ka, di manlang kita makakasama" patampong sinabi ni Jadem habang papaakyat kame ng hagdanan.


"Parang ako lang busy eh noh, parang wala kang basketball practice mamayang afterclass, look who's talking" sinabi ko sakanya with my best as-a-matter-of-fact face.


"Ay oo nga pala noh" natawa at napakamot ng ulo so Jadem.  "So ano? Pupunta ba tayo sa party ni Ace?" 


"Syempre naman, I promised him remember?" Huminto na kami sa paglalakad bilang nasa tapat na kami ng SSC room.


"Yes, you promised, pero papayagan ka ba ni Tita? it's a school night" nagaalalang sinabi niya saken.


"Syempre naman, basta sabihin ko na I'm with you, she's okay with it na" inabot niya yung backpack ko saken. "Basta tonight"


"Sunduin kita" sinabi niya habang papalakad na. "Sure" agad kong sagot at binuksan ko na ang pintuan ng room.


"Laters!" Pahabol niyang sinabi at umalis na.


"Baliw talaga yung mokong na yon" bulong ko sa sarili ko at pumasok na sa kwarto na kung saan nagaantay ang mga officers ng Social Media Club.


"So guys!" Agad kong intro sakanila papunta sa naka-assign kong upuan. 


"Laptops, out please so we can start"



---


So ayon. First time to lol usually 5sos fan fics ginagawa ko e, pero let's try. :)


This gets better I swear. 





BESTFRIEND GOALS MOTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon