two

7 0 0
                                        

*Jadem*


Sulat. Sulat. Sulat.


Yan yung unang unang ginawa pagpasok ko ng first period. Paulit ulit na student profile at paulit ulit na pagdikit ng one by one picture. "Name, Jadem Daniel Galman, Birthday, September 4, Age, 17, Gender, Male..." bulong ko habang sumusulat. 


Pagtapos kong magsulat ay agad na kong tumayo sa ipinasa sa adviser ko. 


Pagbalik ko sa upuan ko, may babaeng nakaupo na sa kaninang bakanteng upuan, at papalapit palang ako ang ngiti niya ay halatang may balak.


"Hi Jadem" pabebeng kumaway saken.


"Prim" was all I said. Agad ko ng kinuha gamit ko handa ng umalis, bilang tapos na ko sa mga dapat kong ipasa. 


Nung paalis na ko biglang hinila ni Prim yung bag ko at napaatras ako at napaharap sakanya. "Stay here for a while, I have no idea of what I'm supposed to do" sinabi niya saken habang pinapakita niya yung student profile niya na wala pang kasulat sulat.


"Prim, darling, that's not math, you don't need my help, student profile yan ano ka ba?" Nageye roll ako at hinila na yung bag ko para makaalis.


Naglalakad na ko sa corridor iniisip ko kung ano na kaya ginagawa ni Micah, nakalimutan ko rin tignan sched niya. Vacant ko pa naman.


Pagpasok ko sa canteen bumungad saken yung blonde na buhok ng kaibigan kong si Ken. 


"Bro!" Bati niya agad saken.


"Uy, bro musta?" sagot ko at sumama na rin ako sakanya sa table niya.


"Chillin' as always," nag-gesture siya kunwaring may tinatanggal na dumi sa balikat niya. "Ay J! nakita mo na ba yung mga bagong transferee dito saten? Grabe man! Ang gaganda" makikita mo sa mata niya na excited siyang ibalita saken to, pero hindi pwede.


"Dude, babaero ka talaga" patawa kong sinabi sakanya.


"Dude, I'm serious, ang gaganda ng mga freshmen" 


"Senior ka na!" Sinapak ko yung braso niya ng pabiro. 


"Sorry na" tumawa nalang siya habang mahinang sinapak rin ang braso ko. "Anyway, asan si Micah? That's strange you're not with her"


"Oh yeah, she's really busy,being head of the SSC and all, first day kaya" 


"Eh? Nakita ko siya kanina e, vacant niya rin ata" nagtatakang sinabi saken ni Ken.


"Hala weh?" 


"Oo, baliw" sabay batok saken. "Ayon siya oh" bigla niyang tinuro ang direksyon papunta sa kabilang table.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BESTFRIEND GOALS MOTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon