To Sir, With Love (One Shot)

4.9K 147 70
                                    

To Sir, With Love (One Shot)

"If X is equal to 2, what is the value of Y in equation 20= 7x + Y" tanong ng gwapo kong teacher.

Nilingon ko yung mga classmates ko. Blanko lang yung expression nila. Wala bang magtataas ng kamay?

Siguro hindi sila nag advance reading. Sabagay, first week palang klase namin bilang grade 6 students kaya siguro hindi pa sila nakakapag-adjust.

OO...

Sila lang...

Kasi naman ako, hindi ko na kailangan ng adjust-adjust na yan. Makita ko lang si Sir Arthur, okay na ako.

Secret lang natin ito ha...

Crush ko kasi sya...

Hindi ko na naman mapigilang mapangiti.

"Anyone?" tanong nya.

Ako na lang! I raised my hand confidently. "Sir!"

Tumingin sya sakin saka ngumiti. Lumabas tuloy yung mga dimples nya. "Yes, Circe."

Tumayo naman ako saka tumitig sa kanya. Ang swerte ko naman.

"If X is equal to 2, and 2O is the sum of the equation, we need to multiply 7 with the given value. Equate the product to the left side and deduct it from 20 to get the difference of 6." Ngumiti ako."The answer po is 6."

Tumangu-tango sya. "Very good Circe!"

Lalo akong napangiti. Nagpalakpakan yung mga classmates ko.

Tiningnan ko si Sir, sinulat nya sa board yung process. Nagkaroon tuloy ako ng chance para pagmasdan sya.

Matagkad si Sir at saka maputi. Lagi syang naka-longsleeves and takenote, light colours lahat ng sinusuot nya. Pero pinakabagay sa kanya yung light blue.

At higit sa lahat...

Ang cute nyang mag-smile.

"Uy, Circe, baka matunaw si Sir!" bulong sakin ni Denisse na may kasamang pag-siko.

Tiningnan ko sya saka sinabihan ng "hussssh..wag ka maingay."

Pigil syang tumuwa at saka tumungo. Bestfriend ko ito si Dennise kaya naman alam nya na gusto ko si Sir Arthur. Sabi nga nya, "Ang tanda naman ng crush mo!"

Kapag sinasabi nya yun, sinisimangutan ko sya. Nakakainis kasi eh, ang aga naman kasi ni Sir ipinanganak!

"Okay class, eyes on the board....." tapos nagsimula na sang mag-explain. Hindi ko na inintindi yung pinagsasabi nya. Tumango lang ako ng tumango.

Ang ganda ng boses nya.. Ang galing nya magsalita...

Haaaaaaay....

Kringggggggggggggg.....

"Time na, bukas na lang natin ituloy. Goodbye for now." Nakangiting sabi nya sa amin.

"Good bye, Sir Arthur!" paalam namin ng sabay-sabay.

Nag-umpisa nang magsilabasan yung mga classmates ko pero naiwan ako sa classroom. Nagulat tuloy si Sir nang lumingon sya matapos burahin yung mga nakasulat sa board.

"O nandito ka pa pala, Circe." simula nya. "May kailangan ka ba?"

"A--- eh--- S-sir..." nauutal na sagot ko habang tagu-tago sa likod ko yung love letter na pinagpuyatan ko kagabi.

Kinakabahan ako....

Magalit kaya sya...?

"Yes, Circe?" nagtatakang tanong nya.

Iaabot ko na sana yung letter kaso biglang dumating Si Ms. Lea, yung music teacher namin.

"Are you done?" tanong nya. Napalingon ako bigla sa pintuan.

"O, Circe, nandito ka pa pala." sabi nya.

Bakit ka nandito Ma'am? Gusto kong itanong kaso hindi pwede.

Ngumiti lang ako.

"Yes, honey. May pinag-uusapan kasi kami ni Circe."

Honey....

Honey....

Honey...?

Hindi naman Honey ang name ni Ms. Leah!

Kung hindi...

Ms. Lea Heranandez!

Hernandez...

Hernandez...

Kaapelyido sya ni Sir Arthur?

"S--sir, magkaanu-ano po kayo ni ma'am?" tanong ko habang mahigpit na hawak hawak sa aking mga kamay yung sulat.

Tumawa si Ms. Lea kaya napatingin ako sa kanya. Lumapit sya sa akin saka inakbayan ako. Hanggang kili-kili lang ako ni Ma'am kasi matangkad sya.

Nagpabalik-balik yung tingin ko sa kanila ni Sir Arthur.

Parang ayokong marinig yung isasagot nila.

Tumikhim si Sir bago nagsalita. "She's my wife."

"K--aya po pala parehas kayo ng surname." pigil ang luha na sabi ko. Hindi ko man lang nalaman agad. Sabagay, paano ko malalaman, wala namang nagsabi sakin sa loob ng isang Linggo na pagtuturo dito ni Sir Arthur sa school namin.

Tumawa nang mahina si Ms. Leah. "Naisip ko kasi na dahil pareho naman kami ng profession, why not dito na lang rin sya magturo sa school natin. Atleast magkasama kami."

Nang marinig ko yun, nilukot ko na yung letter ko para kay Sir Arthur. Pinilit kong ngumiti kahit pakiramdamko naninikip ang dibdib ko.

Bakit ganun yung pakiramdam?

Nagkunwari akong tumingin sa relo ko. "Ay! Kailangan ko na po palang umuwi!" sabi ko saka sinukbit yung bagpack ko. "Bye po Ma'am! Sir!" saka nagmadaling lumabas ng classroom.

Narinig ko pang tinawag ako ni Sir pero hindi ko na sya nilingon. Siguro tatanungin nya kung ano talaga yung sasabihin ko kanina.

Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makarating sa shuttle bus namin.Umupo ako sa bandang likuran at doon ako umiyak.

Nilabas ko sa bulsa ko yung gusot na sulat saka binasa.

"To Sir Arthur....with love.."

Sa bata kong puso, natuto akong masaktan. Pero alam ko..darating din ang araw..makakalimutan ko rin ito. Hindi kailangan madaliin ang sariling ma-inlove.

Marami pa akong panahon...

*******

The End

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To Sir, With Love (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon