Prologue

4 0 0
                                    

"Kung kaya ko lang
pabalikin ang
hintuturo ng orasan
sa nakaraan
siguro hindi na ako yayakapin ng hangin.
Dahil sa bawat
pag lapat ng mga ito
ay kalakip nito
ang pag lapnos
ng aking balat sa bawat
pag daan ng mga gunita
sa aking harapan.
Siguro, aking mga kamay pa rin
Ang iyong hawak
sa bawat pag hakbang sa daan.
Siguro,
ako pa rin ang magiging dahilan
ng iyong mga ngiting
walang humpay sa pag bigay liwanag
sa nag didilim na kapaligiran.
Kung kaya ko lang sanang ibalik.
Kung kaya ko lang.
Sana kaya ko.
Sana."
Habang isinusulat ni Daven ang tulang ito ay napaluha siya sa ala-ala nila ni Christy habang katabi ang letrato nilang dalawa sa gilid ng study table at hindi mabilang na bote ng alak.

Inlove With An InkWhere stories live. Discover now