Jericho Nieves

31 1 0
                                    

"Ok,  class dismiss. " sabi ni Maam at nagsitayuan naman kaming lahat to pay respect kay Maam bago siya tuluyang umalis sa room namin.

Nang makalabas na si Maam ay inayos ko na yung bag ko since last subject namin si Maam kaya uwian na.

"Jane,  di kita masasamahan sa library ngayon dahil may nangyari sa bahay. " sabi ni Nikki sa akin na katabi ko lang. 

"Ha?  So ako lang yung magreresearch nito? " sabi ko sa kanya.  .

"Aish.  Dont worry,  babawi ako bukas.  Basta emergency lang talaga e. " sabi niya saka siya umalis agad agad. 

*sigh*

By the way,  I am Jane Reyes.  Isang simpleng highschool student sa isang pristihiyusong University dito sa lugar namin. Isa akong scholar at mostly na nag aaral dito ay mga mayayaman pero mababait naman— may ibang hindi pero hindi na big deal para sa akin yun. 

In short,  hindi ako mayaman.  Simple lang yung buhay ko kasama si Lola since matagal nang patay yung mga magulang ko tapos si Kuya Jester naman nasa Dubai at nagtatrabaho.  Si Lola na lang yung karamay ko sa buhay dito sa lugar na to. 

Hindi din ako matalino,  slight lang lalo na kapag nag aral ako.  Pero kapag hindi?  Naku!  Lutang na lutang yung brainy ko.  Hahahaha.

Napatingin naman ako sa ibang kaklase ko ngayon sabay dala ko na yung bag ko since tapos na akong ayusin yung mga gamit ko. 

May research kami sa subject ni Maam at kailangang hanapin yung mga sagot sa library.  Alam ko namang sa susunod na araw pa ipapasa yun pero mas mabuti na din yung maagaa para mahandaan ng mabuti. 

At dahil may emergency si Nikki kaya mag isa na naman akong pupunta sa library. Hindi naman sa ano ha,  pero mukhang ayaw na ayaw ata ni Nikki na pumasok sa libraby kasi ni minsan di ko yan nakitang pumasok dun. Bakit kaya?  

Lumabas na ako sa room nang may nakasalubong akong lalaki. 

Muntikan ko na siyang mabangga pero buti hindi talaga nung malaman ko kung sino yung lalaking yun. 

His Jericho Nieves. 

One of those top students na kilala ko sa campus.  His simple and malinis manamit but too strict para kausapin mo. 

Masungit siya at dinidedma ka lang niya.  Malimit lang din yan magsalita pero akalain niyo?  One of the TOP students siya.  O diba?  Hahaha. 

Papunta na ako sa library nang mapatingin ako sa langit. 

Wag naman sanang uulan o!  Wala pa naman akong dalang payong. Tsk.  

Makulimlim kasi yung langit—

"Aray! " sabi ko nang biglang may bumangga sa akin at napatingin naman ako sa bumangga na patuloy lang sa paglalakad at mukhang di ata ako napansin. 

Tarantado yun a! 

Hindi ko yun kilala pero pamilyar yung lalaking yun. 

*sigh*

Ayaw ko nang away kaya pababayaan ko na lang yun.  Di naman ako nagkasugat kaya ayos lang. 

Nagsimula na akong maglakad papunta sa library nang mahagilap ng mata ko ang isang papasok na lalaki sa library. 

"Jericho? " sabi ko sa sarili ko. 

Aba,  himala ata at pumunta siya sa library ngayon? 

Sa pagkakaalam ko kasi every Monday at Friday lang yan pumupunta sa library. 

Jericho Nieves: JEON [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon