Love spell/ chapter 1

196 8 0
                                    

Bettina,

"Betty kailan ka ba mag aasawa? napapag iwanan kana oh. Lahat ng friends natin at pati mga kapatid mo nag aasawa na, ikaw kailan?..tanong ni Laura.

"Kaya nga tayo nandito sa Quiapo church diba at nagluluhod para mahanap nya si Mr. Right.."singit naman ni Patrick.

"Ano ba kayo nag dadasal ako oh, ayan paano ako pagbibiyan ni bro ei ang gulo nyo..."saway ko sa dalawang matalik kung kaibigan at kasama ko rin sa trabaho.

"Kasi naman girl nagkakalyo na yung tuhod ko 'til now wala pa rin si Mr. Right na yan. Big bro maglaglag kana ng lalaki para matapos na tong paghihirap namin..."sabi ni Pat ulit.

   Noon naniniwala ako na ang pag ibig hindi hinahanap kusang dumarating yan pero ang tagal namang dumating sa akin. Kaya eto nagdadasal ako kay puong nazarino na sana ibagay na nya sa akin. Twenty seven na ako pero wala parin akong nakikitang lalaki na yung totoo. Simpli lang naman ang gusto ko kahit hindi kagwapuhan bunos lang ang pagiging gwapo. Ayaw ko din ng mayaman, basta simpli lang talaga yung ako lang ang mamahalin walang iba. After namin nagsimba at nagdasal lumabas ng kami ng simbihan at naglakad lakad, patingin tingin sa paligid na maraming nagtitinda ng kung ano ano. Maya maya pa nagulat kami kay Pat dahil tumili sya,

"Ay....girl alam ko na ang sulusyon sa problema mo..."sabay hila nya sa akin.

"Hoy! bakla umayos ka dyan ha. Dahil pag yan palpak kakalbuhin kita dito..."sabi naman ni Laura sa kay Pat.

"Ano ba kasi yun..."tanong ko naman.

"Nakikita nyo ba ang nakikita ko girls..."sabi naman ulit ni Pat.

"Bakla ano ba! ang dami naming kung ano anong nakikita oh..."sagot ko sa kanya.

    Bigla na lang lumapit si Pat sa isang babaing nagtitinda ng halamang gamot at kung ano ano pa. Kaya naman hinila na rin ako ni Laura at lumapit din kami katabi naman ng babaing isang manghuhula na nakangiti sa amin.

"Manang mayron ka ba love potion dyan?..tanong ni Pat.

"Ay mayron, ito mabisa, five hundred lang alam mo yung bumili sa akin nito nung isang linggo ayun ikinasal na at yung isa naman ayun kakahiwalay lang..."sabi nya sa amin at ang lawak ng ngiti.

"Ay manang yung walang ganyang ganap, yung my forever.."sabi naman ni Laura.

"Ay naku miss hindi na uso ang forever, gusto mo love poison para sa mga lalaking manluluko at salawahan. Yun ang dapat sa kanila lasunin..."singit ng isang ali na nagtitinda ng garter at ano ano pa.

"Ay jusme! may pinagdadaan si Manang garter.."sabi ni Pat.

"Sige po hindi bali na lang, ang mahal po ng love potion nyo. Saka na lang hindi ko naman kailangan yan..."sabay hila ko na sa dalawa.

"Ms. Two fifty na lang..."sigaw ng ali.

"Salamat na lang po..."sabi ko ulit.

"Isang daan na lang, o di sayo na lang bigay ko na lang mukhang kailangan na kailangan mo eh..."sigaw nya pa ulit sa amin.

Napahinto kaming tatlo dahil sa sinabi nya para may pinapahiwatig ang matandang yun. Kaya nagpanting ang tainga ko.

"Tigilan nyo ako masasapak ko ang matandang yun. Kahit galing ako sa simbahan mananapak ako ng tao..."sabi ko sa dalawa.

Pero hindi nila ako pinigilan, itinulak pa nila ako at sabay tawa nila sa akin.

"Aww...ang sabi ko pigilan hindi itutulak diba..."sabi ko sa kanila.

"Hala! tama bang pumatol sa gurang?..sabi ni Laura.

"Girl kain na lang tayo gutom na ako baka malipasan tayo ng gutom at mabubuang pa tayo nito.."yaya ni Pat.

"Oo nga Betty, hayaan mo makakahanap din tayo ng sulusyon sa problema mo. Pero sa ngayon kain muna tayo at ikaw ang taya kasi ikaw nagyaya sa amin dito sa Quiapo ang layo kaya..."reklamo naman ni Laura.

"Oo nga ikain na lang natin to, baka gutom lang to eh.."sangayon ko naman sa kanila.

Maya maya naghanap na kami ng makakainan at nakahanap naman kami agad at nakapag order ng pagkain. Hanggang sa maeserved na ang pagkain namin, nilantakan na namin agad agad para kaming mga PG. Pero laking gulat ko ng pasimpli akong sinipa ni Pat sa paa at sabay nguso sa may pintuan ng restaurant na pinagkain namin. Sabay kaming tumingin ni Laura sa may pintuan,

"Shit"...may gwapo..."sabi ni Laura.

"Baka sya na girl si Mr. Right, oi ang mga poise at ngiti baka mapansin nya tayo..."sabi ni Pat.

Kaya umaayos kaming tatlo ng upo at dali dali nag ayos ng mga buhok at ngumiti. Nilakasan ni Pat ang tawa nya para makita at mapansin kami pero hesusmaria! nanlaki mata namin kasi naman isa pa lang paminta, jusme! at ang jowa ang shaka naman malala pa kay Pat.

"Di bali na Pat sayo na lang, isa pa lang paminta.."sabi ko kay Pat at lumantak ng pagkain.

"Hay! alam mo sa panahon ngayon gwapo nga bakla naman. Buhay nga naman oo ano bang nangyayari..."sabi ni Laura at lumamon na rin.

"Isang malaking check na pink na ballpen.."sabi naman ni Pat .

"Ubusin nyo yang pagkain at uuwi na tayo kasi baka maipit tayo sa traffic.."sabi ko naman sa kanila.

After namin kumain nag ikot pa kami sa isang mall at namili ng murang mga damit at kung ano ano pa. Pagkatapos namili umuwi na kami, inuna ko ng baba si Laura bago si Pat, maya maya nakauwi na ako at diretso pasok sa bahay. Naabutan ko si Mama na nagtutupi ng damit ng mga pamangkin ko kasama si Cindy na kapatid ko na sumunod sa akin. Nagpapadidi ng bunso nyang anak, seaman ang asawa ng kapatid ko kya piling ko kada baba ng asawa ni Cindy sa barko nabubuntis sya.

"O anak nakauwi kana pala, kumain kana ba?.."tanong ni Mama.

"Opo Ma..."sagot ko at kinuha ang pamangkin ko kay Cindy para ipasok nya ang pinamili ko.

Nang maipasok na ni Cindy ang pinamili ko tuwang tuwa naman sya sa mga damit ng baby na pinamili ko para sa tatlo nyang anak.

"Ate ang galing mo talaga pumili ng damit ng bata. Kaylan ka ba mag aasawa ha para naman may mabibilhan kana hindi yung puro na lang sa mga anak ko.."sabi ni Cindy.

Nagkatinginan kami ni Mama, bumuntong hininga na lang ako dahil wala naman akong maisagot sa kanya.
"Ate tell now hindi ka pa rin ba nakahanap ng mr. Right mo? Hala baka manuyut kana nyan..."sabi ni Cindy.

"Oh ano ngayon. Alam mo hindi ko kailangan hanapin yan kusang darating yan.."sabi ko at pinaglalaruan si Chaba.

"Ay nga pala Tina invited pala tayo sa kasal ni Chingay sa makalawa na yun.."sabi ni Mama.

"Si Chingay mag aasawa na ang bata bata pa nun ah?.."laking gulat ko.

"Oo ate balita ko anak mayaman ang mapapangasawa nya at gwapo pa.."sabi naman ni Cindy sa akin.

"Cindy, siguro kapalaran lang nya. Ikaw ba Tina kailan ba kami ulit ng tatay mo maglakad sa altar baka naman maunahan ka ni Jimboy.."sabi ni mama sa akin.

"Ma pwedi ba tigilan nyo ako. Wala nga akong boyfriend diba, ano pa kaya yung maglakad sa altar.."tumayo na ako.

Ibinigay ko kay Cindy ang anak nya at padabog na pumasok sa loob ng kwarto ko. Dali dali kung kinuha ang towel ko at naligo, habang naliligo ako sa isip ko magpakatandang dalaga na lang ako. Pagkatapos ko naligo nagbukas ako ng laptop ko at tiningnan ang fb ko pero mas lalo lang ako nainis kasi naman nakita ko si Martina yung high school friend ko ikinasal na rin sya. Kaya pinatay ko nalang laptop ko, nahiga at nag isip. Ganito ba talaga ka pressure to pag malapit kana sa dead line, sabi ng isip ko.

Love SpellWhere stories live. Discover now