Habang wala pa si teacher eh nagpapatugtog muna ako habang nakaear phone. Naging hobby ko na yun. Ordinaryong araw lang parati. ARAW-ARAW. Walang espesyal na araw sakin maliban na lang sa birthday ko kung kelan ako nagiging masaya kahit isang araw lang. Pero nung makilala ko sya, nag-iba na ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nyang pagbabago sakin, at nagpapasalamat ako sa pagbabagong yun.
this is...
I LOVE THEE
CHAPTER 1.
"Ok, class dismissed."
Nakakapagod na araw na naman. Haay!! ARAW-ARAW NAMAN EH!!
Hindi pa rin ako kumikibo sa kinauupuan ko. Hinihintay ko muna kasing makalabas lahat ng mga kaklase ko. Ang gulo nila!
"Ariane, tara na umuwi baka hinihintay ka na ni Lola!" sabi ng pinsan/bestfriend/kaklase ko na si Jian.
Bata pa lang ulila na ako kaya sa bahay ng Lola na ako nakatira. Sya na ang nagpalaki sakin at nagpaaral. Kinukuha nya ang mga pantustos sa akin sa araw-araw sa mga padala ng tita at tito ko sa abroad kaya hindi naman sya nahihirapan sakin.
"Sige insan, umuwi ka na. Sabihin mo na lang kay Lola na baka gabihin ako ng uwi ha.May pupuntahan lang ako" sabi ko.
"Lagi ka namang may pinupuntahan tuwing uwian eh! San ba yun?" sabi nya.
"Basta umuwi ka na. Wag mong kalilimutang dumaan kay Lola ha?" sabi ko.
"Opo.Hay kahit kelan ka talaga pinsan!" sabay alis nya.
Mga 4:30 na rin ng makapunta ako sa aking madalas pinupuntahan. Sa pinakataas ng pinakamataas na building ng school. Dun ako tumatambay at nag-iisip isip. Malamig kasi dun at nakakarelax. Walang maingay at walang tao. May iniiwan akong notebook dun sa gilid kung saan ako lang ang may alam. Parang diary. Doon ako nagsususulat ng mga nararamdaman ko at kung ano-anong pang nangyayari sakin araw-araw.
Nandito na ako sa madalas kong tinatambayan.Kinuha ko ang notebook ko at nagsimulang magsulat.Dating gawi. Nang biglang may narinig ako na tumatakbo sa hagdan papunta sa kinaroroonan ko. Nagtago ako sa likod para hindi niya ako makita.
Sino kaya yun?