Ako.
Oo ako.
Sinabi ko ng ako eh.
Anong pakiaalam mo kung ako to.
Ako ito nagsimula ng kwento na walang titulo at malamang sa malamang, wala ding kwenta.
Parang kahapon lang, nagmamadali ako tapusin ang trabaho ko.
Pero hindi ko natapos, alam mo kung bakit?
Wala nmn kasi talaga katapusan ang trabaho eh., Trabaho ko kasi ang patuloy na huminga para mabuhay. Trabaho ang ang huwag magkaroon ng amnesia. Ang amnesia na makalimot huminga.Oo nga pala, sa patuloy mong pagbabasa sa walang kakwenta kwentang akda,
bakit di kana lang kya mghugas ng pinggan.
Pingkan na kahit langaw ay hindi na maatim na dapuan dahil sa amoy ng tira nyong ulam na nabubulok na dahil sa iyong katamaran.
Oo, ikaw nga yon.
Yong tamad na ayaw makakita ng hugasang pinggan sa ibabaw lababo.
Ikaw rin yong nagagalit kapag may kapatid kang basta na lang kumain na hindi marunong magligpit na pinagkainan.
Ikaw rin yona mahilig umutos sa kapatid pero ayaw mong ikaw yong utusan.
Sa madaling sa salita,
Ikaw nga.
Ikaw yong batugan.Batugan na kailan man ay hindi kayang gamutin ng kung anoman, kung sinoman. Bagkus ay tanging sarili mo lang makakaalam kung kilan at paano mo iwawasto ang ganyang kinaugalian.
Pasensya na, ako nga pala ito.
Ako yong batugan.
Ako yong may akda.
Pero ikaw yong nagbabasa.
Ngayon, sino kaya ang tamad.
Ako pa rin ba.
Sa palagay mo.
Ipagpapatuloy ko pa ba?