Chapter 2: Embarrassing
Nabalik ako sa reyalidad ng may magmessage sa akin sa messenger. Tiningnan ko ang chat head at nakita ko ang profile ni Mars. Sinend niya na siguro sa akin ang pangalan nung lalaking pinag-uusapan nila. Bubuksan ko na sana nang...
'Buset -.- nagbrownout pa. Badtrip naman oh!"
Nasira pa naman ang generator namin. Wrong timing naman. Biglang may kumatok.
"Ma'am okay ka lang po ba dyan? Bukas pa daw po kasi magkakakuryente eh." tugon ng isa sa mga katulong namin.
"Yes". Maikling sagot ko nalang. Mapapatulog pa ako nang maaga neto. Hayst.
Pinatay ko nalang ang pagkakasaksak ng wifi at binaba ang switch ng aircon. Nang biglang umulan..
'Shocks'
Huwag kang tutulo luha. Huwag kang tutulo. Pero hindi ko pa rin mapigilan.
Bakit ba kasi sa lahat ng bagay naaalala kita? Past is past. Hindi ka na babalik. Naaalala kita kapag nagba-brownout, naaalala kita kapag umuulan at naaalala rin kita kapag nadadaanan ko ang bakanteng lote kung saan, doon tayo unang nagkita. Aishh. Nasan ka na ba? Diba may pangako tayo sa isa't-isa? Ang daya mo naman eh, hindi ka tumutupad. Hinahanap kita pero naisip ko, hinahanap mo din kaya ako? Napapagod na ako eh.
Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko. Ikaw palagi ang dahilan kung bakit tumutulo ang aking luha.
Inilawan ko ang wall clock gamit ang cellphone ko at ma-alas-dose na pala.
'Itulog mo nalang 'to Mika. Walang saysay kung puro ka iyak'
Nahiga na ako at pinilit matulog.
Kriingg~
Tentenententen~
Nagising ako dahil sa napaka-ingay na alarm clock ko at sa alarm ng cellphone ko. Tss, nalimutan kong i-off yung alarm clock.
Nagsipilyo at naligo muna ako bago magbihis tsaka bumaba.
"Good Morning ma'am." Bati sa akin ng mga maids na nadadaanan ko sa pagbaba ko ng hagdan. Tumango lang naman ako.
"Kailan dadating si Manang?" Tanong ko kay Lara na naglalagay ng juice sa baso ko.
"Sa susunod na araw pa ata eh." Tugon naman niya sa akin.
Actually, hindi niya ako pino-'po' dahil 'yun ang gusto niya. Silang dalawa ni Manang ang pinaka-kaclose ko sa mga maids namin. Hindi naman ako umaangal dahil hindi niya ako pino-'po'. Much better pa nga 'yun dahil naririndi ang tenga ko kapag lahat ako pino-'po'. Tss.
"Pakisabi sa mga kapwa mo maids na huwag ng gumamit ng "po" sa akin. Utos ko sa kanya habang kumakain. Tumango naman siya. "At Mika nalang ang itawag nila sa akin." At saka ako uminom ng juice. Nagtoothbrush lang ako at umalis na.
Tumingin ako sa relos ko. Ang aga ko. 7:00 am palang. 8:30 ang time namin. May isa't kalahating oras pa ako. Nagsimula akong maglakad at naisip kong madadaanan ko nanaman yun. Bumuntong hininga muna ako at tumungo sa bakanteng lote.
Flashback
"Tawagin niyo yung ibang mga bata, isasali natin sa laro." Narinig kong sabi nung lalaking kapitbahay namin.
Nandito kasi ako sa malawak na lugar at naka-upo sa sahig. Ayaw ko dun sa bahay, palagi ko nalang naririnig ang mga pinag-uusapan nila Mommy at Daddy. Ang ba-bad nila.
Yumuko ako at nagcross-arm at pinipigilan ang luha pero tumulo pa rin.
"Huhuhu."
Nagulat ako nang may paa'ng nasa harap ko, nakayuko ako kaya hindi ko makita kung sino siya.