Bakit nga ba

58 1 0
                                    

Nagiisa sa upuan si ally habang nakatulala sa dagat. 

"ganda no? " tanong ni paul kay ally. 
" huh? " gulat na tanong ni paul
" Paul nga pala.  sensya na kanina,  kahapon pa kasi kita napapansin.  lagi kang tulala minsan umiiyak tsaka magisa ka lang. "paliwanag nito.

hindi umiimik si ally.  nakatingin pa rin sya sa dagat.  nakiupo si paul sa tabi nito at tumingin lang din sa dagat.

" Bakit ganun...  minamahal mo naman pero bakit di ka kayang mahalin ng buo.  Bakit laging pakiramdan ko di ako mahalaga sa kanya.  Hindi na nya ko pinakinggan,  lagi na lang nauuna ang galit nya kahit sya ang mali. mula simula pakiramdam ko hindi ako ang priority nya.  samantala ako halos talikuran ko ang lahat dahil sya ang naging priority ko.  bakit ako ang laging. magaadjust. kahit mali nya ako pa rin ang nagsosorry para tumigil na yung away. Ang ending lalo nya pa ko dinidiin.  di ko lam kung sadista ko dahil hinahayaan ko masaktan ako.  Gusto kong sumuko pero may bumubulong sa kin na wag kaya pa." Sabi ni ally habang tumutulo ang ulan. 

"Alam mo walang matino o tamang sagot pag dating sa pagmamahal iba't ibang sitwasyon kasi yan. 
Basta ang alam ko pagnagmahal ka,  magtira ka sa sarili mo.  At bago ka sumuko,  isipin mong mabuti, enough ba to negativity na to para bumitaw ka compare sa moments na masaya ka with him at napasaya ka nya.  Pero kung wala na talaga at puro luha na lang.  Siguro sarili mo naman ang isipin mo.  Sa simula masakit,  malungkot pero dadating ang araw magiging okay ka rin.  Samahan mo lagi ng dasal,  aayos ka rin.  Sasaya ka rin." sagot ni paul kay ally.

Matagal na katahimikan ang nangingibabaw. Tumingin si ally kay paul. 
"Salamat,  di ko masabi kung susundin ko mga sinabi mo pero salamat at nakinig ka." Sabi ni ally kay paul.
"Madalas naman kailangan mo lang ng taong makikinig sayo para gumaan ang pakiramdam mo. " sagot ni paul

" taong makikinig lang at di manghuhusga o manggatong. " dagdag ni ally.

" dapat pag nagmahal ka pala lagi kang handa,  handang masaktan at umunawa." pahabol ni ally.

nagngitian silang tao at pinanood ang alon habang inieenjoy ang malamig na hangin at tunog ng dagat.

-the end-

Bakit Masakit MagmahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon