Chapter 4: It Hurts.

7K 163 9
                                    

Salamat sa lahat ng nagvote sa Chapter 3! Take care <3

Season 2: Campus Couple ~ ♡

        - tiffanism

Chapter 4: It Hurts.


"Nicoleee! Bakit ganun? Ayoko naa!" agad kong sinandal ang ulo ko sa wall, nasa gilid kasi ako at katabi ko naman si Nicole. Ewan ko kung anong meron sa mga teachers namin ngayon, nag-usap ba sila or what? Pang-5th sched namin ngayon ang Filipino, at kung magbibigay ng assignment si Maam, 5 assignments na ang kailangan naming ipasa sa Monday.

"Okay lang yan, Krystal. Kaya mo yan!" nag-aja sign pa siya sa akin. Yeah yeah~ 5 assignments sa weekend..? AARRGGHH! Hindi ko yun kaya lalo na't busy kami ngayong weekend. Birthday kasi ng aming principal sa Monday so we need to plan a birthday party for her. At kailangan bongga yung ipe-prepare namin na program. Aish.

Biglang nagchime. So it means, lunch time na. Inayos ko na yung mga gamit ko. Tumayo na kaming lahat para magpaalam sa teacher. Nung naggoodbye na kami. Bigla siyang nagsalita. "Basahin niyo pala ang Kabanata 10 ng El Filibusterismo at sagutin ang pahina 123."

"TAMA NAA! Seriously, tama na!" narinig ko yung mga kaklase ko na nagbibigay rin ng mga complaints about sa mga assignments habang palabas ng room.


"Krystal, wag kang mag-alala. Tutulungan ka naman namin 'no."



"Talaga?"


"Uhum." medyo nabawasan naman yung problema ko.


"Bakit ang bait mo?" napa-smile na ako. May tutulong na sa akin eh.

Napa-roll eyes lang si Nicole. "Tara na nga, gutom na talaga ako." tapos nag-pout siya. Ang cute!


"Teka lang naman.." tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. Pinakita ko yung mga dala kong aklat. "Let me first put these books in my locker. Pleasee?"


"Ano pa bang magagawa ko.." pumunta muna kami sa locker area. Nilagay ko lang dun yung mga books na hindi ko na kailangan at kinuha ang mga books na kakailanganin ko mamaya. Nagkita-kita kami nila Sulli sa cafeteria. Magkaiba kasi kami ng schedule this day.

 ---

"Meeting?" pag-uulit ni Luna sa sinabi ko.

Season 2: Campus Couple ~ ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon