Chapter 1

64 3 0
                                    

"Seryoso ka ba?! Ayoko. A-YO-KO." Singhal ko.

"Pagkatapos kong iligtas yung buhay mo? Pagkatapos ng lahat?" Pagpapakonsensya nito habang hawak yung braso niya na masakit.

Bwisit. Hindi ko naman kasi talaga sinabi na iligtas ako. So ako pa may utang na loob? Ganon?

"Bahala ka sa buhay mo. Diyan ka na nga." Sabi ko habang nililigpit yung mga gamit ko na tumilapon sa kalsada.

Siya naman. Ayun. Ewan ko ba kung nabali ba talaga braso neto dahil sa pwersa nung pagtulak  niya sa akin mai-iwas lang ako dun sa motor o acting lang 'to.

Aalis na sana ako. Pero tumingin ako pabalik. Putek. Parang totoo na bali talaga braso eh. Kaya bumalik ako. Wow. Bakit ba kasi pinanganak akong mabait?! Hay.

Wow conceited bes.

Isa pa 'tong konsensya na 'to eh.

"O bakit ka bumalik? Nakonsensya ka? Payag ka na?" Nakangisi uli netong tanong.

"Ewan ko sa'yo. Halika na nga. Samahan kita sa clinic. Kargo de konsensya ko pa kung anong mangyari dyan sa braso mo eh." Sabi ko.

Teka. Sino ba 'tong lalaki na 'to?! Kaklase ko ba 'to?

Tiningnan ko yung mukha niya. Pero syempre pasimple lang kasi baka mag-feeling ang koya mo na chini-check out ko siya. Base sa cord niya.. parehas kami 4th yr.

Eh bakit mukhang 1st yr to? Napaka-immature eh.

"Picturan mo nalang kaya ako? Mas matagal mo pa pwede matitigan?" Natatawang sabi neto.

"Gago." Sabi ko naman sabay palo.

"A- ARAY! Ganyan ka ba talaga mag-thank you sa taong sumagip ng buhay mo when in fact I don't even know you???" Sabi niya habang hinihimas yung braso niya.

"Edi sorry. Sunod ka nalang punta tayo clinic." Nauna na ako maglakad papuntang clinic. Iniisip ko pa din yung kondisyon niya para pumayag ako sa kalokohang Isang daang sige o ayoko na yan.

Tama ba kaya yung nasa isip ko? Ganon ba yung gusto niyang mangyari? Ang maging sex slave niya ako? What?! Niyapos ko sarili ko bigla eh.

"Hoy engs. Alam ko nasa isip mo. AT MALI INIISIP MO." Biglang sulpot neto.

"EH ANO BA KASI YUN?! USO I-EXPLAIN! At saka anong engs?!" Nakahinga ako dun. Woah.

"Engs for engot. At saka mamaya ko na ipapaliwanag kapag nakapunta na tayo sa clinic. Ang sakit na ng braso k-- aray." Ohmygahd. Konsensya layuan mo ako. 😫

~~~

"Minor lang naman yung injury pero baka dalawa o hanggang tatlong buwan yang benda sa braso mo."

Hay salamat. Nakahinga ako sa sinabi ni Nurse Jane. Yeah. Siya yung full time nurse dito sa school. Ganda niya eh.

"Thank you, Nurse Jane." Sabi ko.

Si kupal naman ayun parang nag-iisip.

"Ano ba kasi nangyari at nagka-ganyan braso mo?" Tanong ni nurse jane kay kups.

Teka. Natatawa ako sa tawag ko sa kanya. Wala talaga akong utang na loob eh no?

"Iniligtas ko lang naman po yung isang tao na walang utang na loob sa bingit ng kamatayan." Sabi neto. Emphasizing the word na "walang utang na loob".

Tiningnan ko si kupal ng masama. Ngumisi siya. Si nurse jane tumingin sa akin pabalik.

"Ano ba kasi nangyari Johanna?" Tanong niya.

Biglang nag-flashback yung mga nangyari kanina. Lalo na yung part na nakita ko si Dale na gina-gago ako ng hindi ko alam. Tapos yun.. bigla nalang akong tumakbo palabas ng school. Ang sama ng pakiramdam ko na para bang anytime pwede ako mawalan ng malay. Wala na ako sa tamang pag-iisip na hindi ko man lang alam na may paparating na motor.

Buti nalang may nagligtas saakin.

Akala ko ba gusto mo nang mamatay? At wow. Thankful ka din pala.

Minsan gusto ko nalang hugutin itong konsensya sa isip ko eh. Badtrip.

"Hoy! Kinakausap ka ni Nurse Jane. Lutang ka nanaman eh." Biglang sabat ni kupal.

"Ay. Ano kasi nurse jane... Masama pakiramdam ko.. Naisipan kong umuwi ng bahay. Hindi ko alam may paparating na motor." Hindi ko sinabi na nakita ko si Dale na may ginagawang kalokohan na hindi ko alam.

Nakakainis. Sobra.

"Ahhhh.. Buti nalang nakita ka ni -- Teka. Ano nga pala pangalan mo? Ngayon lang kita nakita dito eh." Nahihiya na natatawang tanong ni Nurse Jane.

"Xavier Yves Dy po. Xav for short. Pronounced as Save." Sabay smile neto. Infairness, cute siya.

Cute siya. Naks.

Joke lang kasi yun. Nako.

"Nice to meet you, Xav. Salamat naman at nailigtas mo 'to si Johanna. Medyo clumsy lang talaga 'to minsan eh." Biro ni Nurse Jane.

Pero half meant talaga yun. Ilang beses na ako nadala dyan dahil sa katangahan ko.

"O sige na. Magsisimula na yung klase. Balik na kayo sa kanya-kanya niyong room. Goodluck sa senior life kids."

Nauna na akong lumabas sa clinic. Nagmamadali akong maglakad para hindi na ako maabutan ni kupal at magambala.

Hay. Senior na kami. Sunod kolehiyo. Ayoko na mag-aral. Katamad.

"Ooops! Saan ka pupunta?!" Biglang may humila sa blouse ko at hulaan niyo kung sino? Si kupal.

"Ano nanaman?! Magsisimula na ang klase kung hindi mo alam!" Naiinis kong sagot sa kanya.

"Hindi ka pa nga pumapayag dun sa kondisyon ko eh." Sabi niya.

"EH ANO BA KASI YUN?! IPALIWANAG MO NGA!" Pino-provoke ako neto eh. Nag-promise pa naman ako na ngayong 4th year na magiging mabait na ako.

Mabait naman talaga ako eh. Loud lang. Hehe ✌

"Ehem.. Ganito kasi yun. Kung hindi mo alam. I am a tr---"

Hindi ko na siya pinatapos kasi sa likod niya nakita kong paparating si Dale kaya tumakbo ako ng mabilis papunta sa room. Ayoko muna siya kausapin.

Hindi ko alam kung dapat ba akong magpanggap na walang alam sa pangyayari o kausapin siya tungkol dito.

Ah basta ewan. Ang weird ng mga pangyayari. Ang weird niya.

AUTHOR'S NOTE:

Mas exciting ang story na 'to. Promise. I won't let you down. *evil laugh*

Like. Vote. Comment. Share.

"Isang Daang Sige o Ayoko"Where stories live. Discover now