Chapter 5: ang paghahanap and pagkadissappointment

49 0 0
                                    

Sumunod na practice namin ng rotc eh sa Tuesday.. kasi sa Thursday.. Tactical Inspection namin.. kaya kailangan namin mag absent.. pero dahil may klase kami ng Math eh.. trigonometry yun.. napagpasyahan namin nina mae mae at anne na papasok ako dahil ako ang pinakamagaling sa math sa aming tatlo..

Kaya ayun pumasok ako sa klase.. unang period namin eh Nat. Sci.. hmm. medyo boring ang klase na ito pero pinag chagaan ko na lang..

tapos nag text si mae mae..

"Wow! Ang wafu ni TTOOTT! fresh na fresh!"

palagi kasing haggard yun eh kaya nasabi niya na fresh na fresh si TTOOTT..

"Hahaha.. Talaga? Sayang gusto kong makita!" reply ko

"Mare (mare ang tawagan namin eh) parang hinahanap ka na ni TTOOTT" reply ni mae mae

"Panoo mo naman nalaman?" reply ko..

"Tumitingin tingin sa nga rotc student eh"

Ayyiie! ayun kinilig na naman ako dahil promise niya yun..

pagkatapos ng Nat. Sci... Math.. hinintay namin si Ma'am tapos biglang nagtxt siya kay Tepi (classmate ko)

"Hindi daw makakapunta si Ma'am dahil sa Math club" sabi ni Tepi

AYYY bwiset!! walang kwenta ang pagpunta ko sa school!! sayang nakita ko pa naman sana si TTOOTT

Kaya umuwi na ako..

mga lunch break pumunta ang mga classmate ko sa bahay. dahil bahay ko ang pinakamalapit sa rotc..

"Mare, hinahanap ka niya talaga ni TTOOTT" sabi ni mare mare

"OH? Pano?"

"Tinanong niya lahat ng tao.. parang pinag sisigawan.."

parang ganito "sino sa inyo si Genie???"

"OOOMGG!!! exageration naman kung maghanap!!! ayoko ko nang pumasok!!!"

"Ano ka ba? Bkit naman?"

"Nahihiya ako eh.."

tapos tinanong niya si daw mae mae tungkol sa kin..kasi sinabi ata ni Sir gwapo kay TTOOTT.. na si mae mae ang kasama ko...

"UY.. asan si Genie?" tanong ni TTOOTT kay mae mae

ang sabi naman ni mae mae.. absent ako.. pero papasok sa hapon..

Mareee!!! ayaw ko nang pumasok!! sabi ko

Bakit naman!!! sabi niya

"nahihiya ako!!" sabi ko

"Egot! kailangan mong pumasok kung hindi mababagsak ka sa rotc.. ang gawin mo na lang.. magpaganda ka!"

Ayan.. matapos ang ang lunch break.. pumunta na kami sa rotc..

nung una, di pa ako hinahanap ni tttoottt

pero feel ko na kilala na niya ako dahil nakita niya akong kasama si mae mae.. si mae mae kasi.. matangkad kaya.. kitang kita siya.. ang maliit..

ayan practice na kami.. marcha.. paghawak ng sandata.. etc..

pagkatapos ng rotc..

lumapit sa kin si mae mae

"uy! tinanong ako ni TTOOTT kung asan ka na?"

"Ha?"

Langya kala ko kilala na niya ako..

"Tara puntahan na natin.." sabi ko

"Sige.. kunwari punta tayo sa Science building para mag kamusta ng high school teacher.." sabi ni mae mae

ayun.. pumunta kami sa science bldg.

 tapos dumaan kami kina TTOOTT...

"Sir, Si genie po to." sabi ni mae mae..

tapos nag smile ako..

tapos yung reaction niya parang wala lang.. umoo lang yung ulo niya..

at yun ang dissappointment ko..

Langya kang panget ka!! atat atat na makilala ako. tapos un lang ang reaction mo??!! sabi ko sa sarili ko

wala manlang..

"Hi.." or what ever..

kaya dahil dun di ko siya tinext'an...

-- chapter 6..

ANG UNA KONG PAGPAPAPANSIN SA LALAKI :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon