broken_love

6 0 0
                                    

Isang araw sa buhay ko nakilala kita ng di sinasadya. Hindi ko inakalang magbabago ang pagtingin ko mula sa ibang tao patungo sa iyo. Pilit kong nilabanan ang munting nararamdaman ko sa unang kita pa lamang dahil batid kong sitwasyon ay magiging komplikado lamang. May itinatangi ka noon at ako'y may munting pagtingin noon sa itinuturing kong matalik na kaibigan. Nung nagsimula kitang makasama sayang dulot mo sa buhay ko ang pumupuno sa aking puso. Pero syempre hindi ko maaaring ipakita ng lubusan dahil ako'y may agam agam. Unang pagsubok ay dumating nung pinagtuunan ako ng pansin ng matalik kong kaibigan. Akala ko yun ang nararapat kaya kinausap kita at ako ay nakikipaghiwalay. Pero di ka pumayag. Naging dalawa kayo sa buhay ko ng di sinasadya. Batid kong naging di ako makatarungan sa iyo ng mga panahong iyon. Nasasaktan ka man pilit mong inuunawa ang sitwasyong ating kinasadlakan. Nung kami ay magkita ng personal sa unang pagkakataon aking nabatid na "infatuation" lang pala ang nadarama ko sa kanya. Na ang puso ko'y nasa iyo na pala. Kaya naman nung bumalik ako sa bansang ating parehong pinagsisilbihan binalikan kita. Pinilit kung bumawi sa mga pagkakamali ko at sakit na idinulot ko sa iyo. Ilang taon ang lumipas at maraming problema ang sa atin ay dumating. Samu't saring pagsubok na napagtagumpayan nating lampasan. Hanggang sa may dumating na pagsubok na naman na tungkol sa isang bahagi ng iyong nakaraan na matindi kong pinagseselosan. Labis akong nasaktan at nagalsa balutan ako. Di mo ako pinigilan. Dinamdam ko ang mga iyon pero nung sinabi mo na kailangan mo ako at magstay ako. Hindi ako nagdalawang isip na sunggaban ang pagkakataong makasama ka pa at mahalin. Ikaw na sandigan ko sa mga pagkakataong ako'y nanghihina. Makita lamang kita lumalakas na ulit ang loob ko. Isang yakap at halik mo lang agam agam kong ika'y mawawala sa akin ay dagling naglalaho. Mali man sa paningin ng iba ang klase ng relasyon na mayroon tayo. Hinding hindi ko ito ipagpapalit sa iba. Akala ko ayos na tayo pero sa tuwing nakakampante ako bigla na namang susulpot ang taong dahilan ng pangangalunya mo. Natitrigger niya ang madilim na emosyon na pilit kong iwinawaksi. Hindi doon natapos ang ating pagsubok pagkat usaping pinansyal isa rin palang rason kaya unti unti kang nanlamig. Ngayon pilitin ko man bumangon sa lupang aking kinasadlakan di ko pa kaya dahil para akong napilayan ng bigla mong iwan. Masama nga yata ang naging dulot ng lahat ng pagsubok na ating napagdaanan. Lalo na nitong huling taon. Sabi nila kapag nalampasan nyo ang limang taon magiging maayos at sasagana ang relasyon. Subalit sa pagkakataong ito ano nga ba ang halaga ng limang taong pagsasama sa iisang bubong kung isa sa atin ay bumibitaw sa habi ng pagmamahalan.

Pagmamahal ko sa iyo'y di magbabago. Kailanman ay di kita iiwan magkapira piraso man ang aking puso. (Fin)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 18, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

broken (Essay)Where stories live. Discover now