Kupido's POV
Ako si kupido. Ako ang dahilan kung bakit nagagawang umibig ng mga tao. Isang pana ko lang sa kanila ay biglang mangangamoy pag-ibig na.
Masaya ang trabaho ko lalo na't nakakalaki ng ulo na nagagawa ko iyon ng tama.
At sa ngayon, may dalawang tao akong gustong paibigin.
Si Sun at si Luna. Dalawang taong magkaiba ng ugali, pananaw sa buhay at pinaniniwala.
Actually, eksperimento ko lang to kung maaari bang pumagitna ang pag-ibig sa dalawang taong halos magkaiba.
Inihanda ko na ang gagamitin kong pana para kay Luna. Pero dapat pagkatapos ko syang ipana ay si Sun ang una nyang makikita. Para magustuhan agad nya si Sun. Pagnagawa ko na iyon, isusunod ko na si Sun.
Napangiti ako. Hindi ko mapigilang ma-excite sa nalalapit na mangyayari.
Hihintayin ko na lang na mapag-isa ang dalawa sa silid na iyon. Tutal magkaklase naman sila kaya hindi na ako mahihirapan.
Sa wakas sila na lang dalawa sa loob. Dali-dali kong ibinanat ang bow ko at itinutok ang arrow kay Luna. Ayan na, malapit na.
Buti at nag-uusap silang dalawa sa harap ng pinto.Agad kong binitawan ang pagkakabanat ko sa bow ko at mabilis na pumunta ang arrow sa kinaruroonan ni Luna.
Ngunit nagulat ako nang biglang yumuko si Luna para ayusin ang sapatos nya at bumukas ang pinto.
Si Star sana ang papasok sa loob. Hindi dapat sya matamaan ng pana dahil hindi naman si Sun ang itatadhana ko sa kanya.
Mabilis akong lumipad papalapit kay Star at agad syang itinulak. Pero nakalimutan kong umiwas sa panang paparating.
Natamaan ako sa likod ng sarili kong pana. Napapikit ako kasi masyado syang masakit. Ang masaklap nito bakit ako tinamaan ng pana? Hindi ako tao. Ang pana ko ay para lang sa tao.
YOU ARE READING
In Love si Kupido (One-Shot)
Short StoryAnong mangyayari kung si kupido mismo ang tamaan ng pana nya?