Chapter - 49

381 32 117
                                    

" Ako po si Daryll....ito naman po si Lucif este lukas." Muling tinusok ni lukas si Daryll sa tagiliran kaya napaigtad ito sa aktong aabutin na ang baso ng kape."

" Matalik ba kayong magkaibigan?"

" Nakuu! Hindi po! Magkaklase lang!" Sagot ni Daryll.

" Bat kung makayakap ka kanina parang sobrang close ka na sa akin!"

Sumimangot na lang si Daryll at tumikhim ng kape.

" Nakakatuwa kayo mga iho.....ganyang edad din, ako ay may matalik na kaibigan...pero bata pa kami ay magkaibigan na kami.....palagi din kaming nag-aasaran pero hindi kami nag-away ng grabe."

Sa narinig ay kumabog ang dibdib ni Daryll.....ito na ba ang hinihintay niyang pagkakataon.

" Ka Andoy di po ba?" Tanong ni Daryll.

" Tama iho....pero tawagin nyo na lang akong lolo andoy." Nakangiting sagot ng matanda saka muling tumikhim ng kape.

" Ilang taon na po kayo lolo?" Tanong naman ni lukas.

" Sisenta y sais na ako iho."

" Si David po ba ay apo ninyo?"

" Oo iho....anak siya ng bunsong anak ko na napatay noon sa enkuwentro....sa isang baryo ng isang bayan malapit dito sila dating naninirahan....katatapos lang niya ng elementarya ng mapatay ang ama niya na anak ko.....ang kanyang ina naman ay namatay sa sakit dito sa bundok at hindi na namin naipagamot.....kaya ako na ang tumayong magulang ni David mula noon.....mahirap ang buhay dito mga iho....pero wala akong pinagsisisihan.....ito ang naging bunga ng buhay na pinili kong tahakin noon pa man."

" Bakit hindi na lang po kayo magbalik loob sa gobyerno? Alam ko po may amnesty na ibinibigay sa mga rebel returnee ang gobyerno." Si daryll na muling tumikim ng kape....ilang saglit lang ay dumating si David at umupo sa tabi ng matanda.

" Iho.....mahirap ang nangyayaring paguusap minsan ng gobyerno at kilusan....may mga kasunduan at limitasyon na minsan hindi napagkakasunduan....kaya maraming tulad namin ang nananatili dito sa bundok......alam ko na hindi ninyo mauunawaan pero may ipinaglalaban kaming prinsipyo."
Bigla namang napaubo ang matanda at tumalikod na hinimas ni David...kumuha naman ng tubig si Daryll at lukas.

" Lolo ayaw nyo pa po bang matulog?" Si David na nag-aalala sa matanda.

" Ok lang ako apo....hindi pa naman ako makatulog....kug gusto mo sumali ka sa kuwentuhan namin." Napangiti na lang si David at kumuha din ng baso at nagsalin ng kape mula sa termos.

" Lolo ano na pong lugar ito?" Si Daryll na tila handa sa mga bagay na itatanong niya sa matanda.

" Hindi ko puwedeng sabihin iho dahil maaring malagay sa panganib ang kuta namin.....maraming kuta ang mga tulad namin sa mga kabundukan dito sa Quezon pati na rin sa ilang lugar sa Bicol.....pero huwag kayong mag-alala dahil bukas ay may inutusan na akong pinagkakatiwalaang kasapi ng kilusan para bumalik sa bayan ninyo para makipagusap sa pamahalaan ng bayan...alam ko na mahirap pero susubukan namin para maibalik kayong ligtas."

" Lo may cellphone naman kami...bakit hindi ninyo na lang tawagan mga pamilya namin?" Si Lukas para bang gusto ng makauwi agad sa narinig na sinabi ng matanda.

" Mahirap ang signal sa lugar na ito....lalakbay ka pa para makasagap. Pero hindi ko hahayaang makakontak kayo o kami sa mga nasa labas....mahirap yun dahil baka magkagulo at mapahamak kayo kung hindi magkasundo sa aming pag-uusap kaya mas makakabuting may mga kasapi kami na pupunta sa pinanggalingan ninyo.....at iyon ay bukas ng umaga mismo....mananatili pa kayo dito hanggat hindi sila dumarating na walang mga kasama na magdadalala sa inyo mula sa pamahalaan pabalik sa bayang inyong pinagmulan."

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon