Why? (Oneshot)

124 24 41
                                    

Irah's P.O.V.

Why?

Tell me, why?

Maganda naman ako... sabi nila.

Cute din daw ako.

So bakit?

Ano bang hindi mo makita sa'kin?

Noon, hanggang ngayon, hindi niya 'ko pinapansin—maliban nalang kung kinukulit ko talaga siya—but this time may nagbago na ba?

May magbabago ba?

At naisip ko, siguro may kinalaman ang pag-amin ko sa kanya noong high school kaya ganito ang attitude na pinapakita niya ngayon.

Yung parang high-school-crush feeling na naramdaman niyo noon—or maybe even ngayon—pero sa sitwasyon ko eh, mas malala. Maybe you can say na, na-obsessed ako sa kanya. Oo cliché pakinggan, pero there was something about him that made me want him.

Minsan nga hiniling ko nalang na sana 'di ko na lang siya nakilala. Pero paano? Hindi ko na magagawa 'yon kasi huli na, nahulog na ako. Grabe nga yung bagsak ko eh.

And the other part of me is grateful.

Grateful that I met him. Because of him, may dahilan na ako para gumising tuwing umaga. May gana na ako pumasok sa paaralan noon. Nang dahil sa kanya naramdam ko na ang sarap ng mabuhay ng panahong mga 'yon.

But reality wasn't on my side.

I knew but I still kept on liking him. I knew it was going to hurt. Yet, I still held on to the one percent possibility that... it could work. We could. We might.

But didn't.

*2 years ago

"MAHAL KITA!"

Sigaw ko sa kanya.

Eto ako, sa harapan niya, sa loob ng basketball court sa school namin, in front of his teammates and other people na 'di ko kilala, at sumisigaw habang nararamdaman kong tumutulo na yung pawis ko sa kaba at takot sa magiging reaksyon niya sa pag-amin ko.

"Hindi mo ba pansin yun? Kaya nga nagbibigay ako ng tubig pagkatapos ng mga basketball practice mo, kaya nga tinatabihan kita sa cafeteria paglunch na, kahit recess pa nga eh, kaya nga nagbibigay ako ng sandamakmak na letters para lang sayo!" Ramdam ko ang panginginig ng akong boses habang nagsasalita. Di ko alam kung kakayanin ko ba yung magiging sagot niya. Kawawa naman ako kung lahat ng mga nagawa ko mauuwi lang sa wala, 'di ba?

"And then? Did I told you to do so?" Sabi niya with a 'I-Don't-Give-A-Fucc Look'. Sabi niya na parang wala lang iyong mga pinanggagawa ko sa kanya. Ah, oo nga pala, wala lang pala talaga ako sa kanya, ni di niya nga siguro alam kung ano pangalan ko. "Wala akong pakialam. 'Di nga kita kilala eh. Sino ka ba?"

Seriously?

Nagpakilala na ako noon sa kanya. Every time we crossed paths, I have always introduced my name.

Tao rin ako nasasaktan, napapagod.

Alam ko na simula pa nung una wala talaga akong pag-asa sa kaniya pero ewan ko ba kung bakit ako nasa harapan niya ngayon. Ewan ko ba kung bakit ako nahulog sa isang tulad niya. Ewan ko ba sa peste kong puso na nahulog sa isang gwapong pesteng tulad niya.

Why? (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon