Una

4 0 0
                                    

1-12-17     12:33am

Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman o kung bakit ko pa ito nararamdaman pa.

Dapat hindi na dapat wala na, Pero bakit ganun apektado parin ako?

Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng inggit.

Sa kanya, Oo sya na maganda, maputi, makinis, maporma at higit sa lahat ipinaglaban ka.

Ano nga namang laban ko sakanya? Wala diba?

Kung ako din naman ang nasa kalagayan mo sya ang pipiliin ko.

Masama ba akong maiituturing kung sasabihin kong di ako masaya para sa inyo? O di kaya'y humingi ng kauting oras mo?

Gusto lang kitang makausap tulad ng dati. Linawin ang mga bagay-bagay.

Di ko naman hinihinging bumalik ka sakin.dahil, alam kong masaya na kayong dalawa.

Ang tanging nais ko ay masdan ang iyong mukha. Kahit sandali man lang para masabi ko sa sarili kong,

" Len, tama na.  masaya na sya"

Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito?

Siguro wala kasi tayong maayos na pag-uusap bago tayo maghiwalay. 

Walang Closure ika nga nila.

Kahit anong pilit kong umusad ang buhay,  kalimutan at wag na isipin pa di ko magawa.

Pagod na rin akong magpanggap na matatag, Na malakas, na kaya ang lahat, na di nasasaktan,

Pagod na akong lokohin ang sarili ko, at higit sa lahat pagod na kong magkunwaring MASAYA..

Kahit dito man lang sa sulat naito sa kapirasong espasyong nilaan ko para sa tunay na damdamin ko masabi ko na.

" Len, di ka okay. Ayos lang magpakatotooka kahit sa sarili mo kahit ngayon lang."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

*ESPASYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon