"Ako lang pala"

51 0 0
                                    

eto ako muling , sinusubukan ibalik ang sinira mong tiwala,
tiwala na inilaan ko para sayo dahil alam kong mas higit pa sa inaasahan ko ang tiwalang ibibigay mo, ang dating tiwala ko'y ngayo'y sira na.
habang tayo'y sumasabay sa agos ng tadhana,patuloy ko paring binabalot sayo ang kadena ng aking tiwala, Pero bakit?!
bakit ikaw na mismo ang kumawala, kumawala sa kadena ng aking pagtitiwala, umaasa ako na hindi mo nanaiising tumakas sa hawla ng aking pagmamahal kahit na alam kong ikaw ay nasasakal, sapagkat hindi ko kaya, hindi ko kayang mawala ka, Akala ko ang "tayo" ay para sa isa't isa, nasaktan ako ng malaman kong ako lang pala, ako lang pala ang nagmahal ng tapat at hindi tumitingin sa iba, ako lang pala ang nagpapahalaga sa ating dalawa, ako lang pala ang nag aalala sa tuwing hindi tayong nag uusap na dalawa, ako lang pala, ako lang pala ang umaasa, umaasa na sana bukas makalawa mabalik mo ang pag ibig na dati ay nagbigay sakin ng saya.

Spoken Word poetry Where stories live. Discover now