"halaga ng pagsasama"

63 0 0
                                    

mahal, Walang halaga sa akin ang ating ginagawa tuwing tayong dalawa lang ang magkasama sa kama, nagroromansahan hanggang gabi, ang pagdidikit ng ating nga labi ay sadyang napakasaya, pero aking napagtanto na ang tunay na ligaya ay ang ating pagsasama na kahit kailan hindi matutumbasan ng kahit anong bagay o pera. Mahalaga sa akin ang ating pinagsamahan, pinagsamahan na nahubog dahil sa ating pagmamahalan, pagmamahalan na akala ko'y tunay pero bakit parang bigla bigla nalang tumatamlay, mahal, bakit ka biglang nagbago , nagbago ang iyong pagtrato sa akin na dati'y hindi naman ganito,  nakakalungkot dahil ikaw ang inaasahan kong magbibigay sa akin ng tunay na ligaya,
pero ako ay iyong binigo sa pagpapakita sa akin na ako ay wala ng halaga, nangako tayo sa isa't isa na ang pagmamahalan natin ay dapat laging nasa kanan ngunit bakit, Bakit ka kumaliwa, sabihin mo sa akin kung ano ba ang aking nagawa, hindi naman ako nagkulang lahat naman ay aking ginawa para lang makita ko ang maganda mong ngiti sa iyong mukha.
Mahal, kahit Pakyu ka minsan, hindi kita kayang iwasan, ikaw ang gamot at sakit sa aking nararamdaman, kaya kahit suntok sa buwan, umaasa ako na tayo ay magkakabalikan at ating sasabihin sa isa't isa na " mahal na mahal parin kita"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 27, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spoken Word poetry Where stories live. Discover now