Chapter One

1.3K 12 8
                                    



(Character Introduction)

(Macky Delmoro)

Hi. Ako nga pala si Macky o Mac sa aking mga kaibigan, labing walong taong gulang, at kasalukuyang nag aaral bilang isang BSIT student sa isang kilalang unibersidad, at nasa unang taon palamang ako. People say Im funny, attractive, kind and immature and i think tama naman sila 😀

~~~~~~~

(Rocco Monteroso)

Rocco o Coco, Dalawampu't apat na taong gulang. Isang Business Administration student, walang permanenteng kurso at kaibigan, mayaman, loner, misteryoso sa mga taong hindi ako kilala.😒😒

♡ ♥ ♡ ♥ ♡

♥ ♡ ♥ ♡ ♡

♡ ♥ ♡ ♥ ♡

♥ ♡ ♡ ♥ ♡

(The Start Part One)

❤️❤️❤️❤️❤️❤️

"Aghh!!!!! 😭😭😭 Palakol nanaman ako uli sa Math 2! wala na talaga akong pag asa sa math kristine!" atungal ni macky sa matalik na kaibigang si Kristine habang naglalakad papuntang cafeteria bit-bit ang Class card na kabibigay lamang ng kanilang propesor sa math 2 para sa resulta ng kanilang Prelim exam.

"Eh kung Math Textbook ang hawak mo palagi at hindi yang cellphone o kaya yang Ipad mo eh di sana'y may naiisasagot ka sa tuwing may exam o quiz tayo, wala ka talagang pinagbago Mac! 😖😖magbago kana Midterm na madadamay pako neto sayo eh!, Naku parati kana lang ganyan! Kung di lang kita naging Bestfriend, Grrr!!! Okay ganito wag mo kasing isiping mahirap ang math, Ang talino mo sa iba nating subject pero pagdating sa math ang bobo mo! Concentrate kasi Mac! Concentrate!"
Halos pasigaw na ang sermon ni Kristine sa kaibigang si Macky, sa di mapigilang tensyon ay nabatukan nanaman nito ang kaibigan na madalas nitong nagagawa sa tuwing may kasalanan o atraso ito, Halos sabay na kasing lumaki ang dalawa sa Nuro Upi, na isang probinsya sa bulubundukin ng Maguindanao, nagsimula silang magkakilala noong  elementarya sila isang Montessori School sa Nuro, halos hindi na mapaghiwalay ang dalawa nang unang sa upuan, simula noon halos parati na silang magkasama na kahit sa pagpili ng papasukang paralang pangkolehiyo at kurso ay iisa.

"Aray naman tin-tin, akala ko ba magkaibigan tayo? Ang tagal -tagal na nating magkakilala dapat matagal mo nang alam na di kayang i process ng brain ko ang mga problems na wala naman ako kaalamalam na binibigay ng professor natin sa math! "
😓😓😓😓😓😓
"Diyan! Diyan ka kasi magaling eh Sa pagbibigay alibi! naku Macky Pasapak nga uli!" Sabay hablot ni Kristine sa bag ni macky sa hallway pero malibis na nakailag at nakalayo na si macky na naging dahilan upang mabanga niya ang taong kasunod nilang naglalakad.

"Hey! Slow down!" 👿 Sigaw ng babaeng nabanga ni macky. Mukhang badtrip ito at kagagaling lamang sa isang riot. Magulo ang buhok at mukhang naghahabol ng oras papuntang Business Administration Building, mukhang ang babaeng nabanga ni Macky ay estudyante rin ng paaralan.

"AYYY Naku! Sorry po Miss! ☺"️ , agad namang hingging paumanhin ni Macky sa di sinasadyang pagkakabanga. Pero agaran din namang umalis ang babae at hindi na nagawang lumingon o pakinggan man lamang ang hingging paumanhin ni Macky at umalis na parang walang nangyari, Napakibit-balikat nalamang ang dalawa  at nawala sa isip ang pagtatalo, sabay ngiti sa isa't isa at pinagpatuloy ang paglalakad papuntang cafeteria para kumain ng tanghalian na akala mo'y walang nangyari o walang pagtatalong naganap.
Laking pasasalamat naman ni Macky sa babaeng nabanga nang dahil dito kasi ay nabaling sa iba ang isip ng kanyang kaibigan at pansamantalang nahinto ito sa pagsermon.

Hit Me With Your Best Shot  (BoyxBoy Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon