Rowan Berries & Marigolds

18 0 2
                                    

ImTheRocketeer**Short Story

Rowan Berries & Marigolds

byImTheRocketeer

Naramdaman mo na ba yung sobrang inggit? Lalo na kapag nakakasaksi ka ng mga sudden proposal, surprise at serenade ng isang guy sa napakaswerteng girl? Haaay... Kailan ko kaya mararanasan yung mga ganyang bagay na pwedeng maramdaman ng lahat ng mga kababaihan? Sana makahanap rin ako ng lalaking maeffort. Yung walang pakialam sa sasabihin ng iba, mapasaya lang ang babaeng pinakamamahal niya. Ikaw? Pinangarap mo rin ba 'to?

~~~

"Owa! Halika dali! Lumabas ka! Mamaya na yang ginagawa mo!" sigaw ni Donna habang kitang kita sa muka ang kilig mula sa bintana ng classroom at mapapansin mong nagkakagulo na naman sa labas at maraming naghihiyawan.

"Ano na naman ba yun?" yamot kong tanong sa kanya na hindi pa rin tumatayo sa kinauupuan. >_<

"Takte naman! Halika ka na kasi!"

Tumayo na ko at dala pa rin ang mukang di mapinta.

"Itsura mo na naman, Rowana. Tignan mo na lang yung nangyayari doon." sabay turo niya sa kabilang classroom. "Oh di ba, inggit ka no?"

Napatulala naman ako sa nakita ko at nawala ang kayamutan sa katawan. Ang tropa ko sa kabilang section na si Kit ay nanghaharana! Aaaw. Ang swerte naman ng nililigawan niya. Di ko akalain na ganon na lang ang nararamadaman niya. Di man lang niya nasabi sa amin na may gagawin siyang kasweetan sa buong campus.

"OWA! Ang labo mo talaga. Kaninang ayaw mong pumunta dito, ngayon ayaw mo nang magsalita."

"Donna naman, wag ka ngang maingay. Di ko marinig yung kinakanta ng mokong!" sa sobrang tuwa ko, lumapit pa ko lalo. Nakatingkayad na ko dahil sa dami ng usisera/o.

Mula sa kinatatayuan ko, nakikita ko na binigay na ni Kit ang tatlong rosas sa niligawan niya at makikita sa babae na talagang kinikilig siya. Aaaw! Ako kaya, mararanasan ko rin kaya ang nararamdaman niya ngayon? Lalong dumami ang tao at hindi ko na sila halos makita. Pinwersa ko na ang pagtingkayad at dahilan yon ng pagkatapilok ko...

"ARAAAAY!" si Donna lang ang nasa isip ko ngayon. Tae. Nagkakagulo na at baka matapakan na ko. Ano na kayang nangyayari?

"Owa? Okay ka lang?" hanggang sa may narinig akong may kumausap sa akin at inaabot ang kamay para itayo ako.

"Ah.. Eh.. O-okay lang. Salamat, Reego." inabot ko ang kamay niya at tinulungan akong makatayo. Si Reego, siya lang naman ang man of my dreams. Gwapo, matalino, mabango, matangkad at gentleman. I must say na nasa kanya na lahat ng positive adjective. Haaays nasa kanya na ang lahat nghinahanap ko.

"Mukhang in love talaga ang lokong yon no?" tanong sa akin ni Reego.

"Hehe. Oo nga e. Di man lang nagsasabi edi sana nakatulong." hiyang sagot ko sa kanya.

"Mukha naman di niya na kailangan. Tignan mo.." sabay lingon ko ulit kila Kit. Nakikita kong magkayakap na sila. Halatang sinagot na siya ng nililigawan niya. At eto, nakaramdam na naman ako ng inggit at saya..

"OWAAAA! Ano? Nakita mo?" biglang sumugod si Donna at inalog-alog na ko. Sabay non, lingon ni Donna kay Reego. "Aheem... Mukang nakita mo nga." makikita kay Donna ang kalokohan sa muka sa pagkakasabi niyang yon.

"Oo! Halata namang sinagot na ng babae si Kit e." sabay akbay ko kay Donna para hindi makahalata si Reego.

"Ikaw, Reego. Kailan mo ba kasi liligawan 'tong bestfriend ko?" sabi ni Donna.

"AAAH! Donna! Nakakahiya ka. Ano ba yang pinagsasabi mo kay Reego." mapapansin na namumula na ko sa sobrang kahihiyan at kakiligan. "Pasensya na, Reego huh. Wag mo na lang pansin 'tong si Donna. Praning lang talaga to."

"Okay lang.. Ahmm.. Owa, pwede ka bang makausap?" aya ni Reego.

"Oo naman." payag ko.

"Osige sige, aalis na ko huh." sabi ni Donna at nakangiting aso habang papaalis. Ano kaya yon?

Maya maya may nakita ako sa likuran na tarpaulin at nakalagay ang pangalan namin ni Reego at unti-unting bumagal ang takbo ng oras sa akin. Ang paggalaw ng tao at tanging nakikita ko lang ngayon ay ang taong pinakamamahal ko.

Bigla na lang lumuhod sa harap ko si Reego at may inaabot na limang pirasong rowan berries at dalawang marigolds. Nagulantang ako sa nangyayari dahil sa may nasaksihan ako kani-kanina lang na surprise serenade mula sa kabilang section, ngayon nangyayari na sa akin.. Hindi ako makapag-salita. Ganito pala ang pakiramdam. Ang saya saya ko.. Sa taong gusto ko pa nangyari. Hindi ko to inaasahan at talagang nagulat at nasiyahan ako sa nangyayari. Tinitignan ko sa mata si Reego at pilit na gustong itanong na "Bakit ako?"

"Kunin mo na!"

"Ayiiie!"

"WOOOO! OWAAAA! Nakakainggit ka!"

"Double wedding na to!"

"Dalaga na si Rowana!"

Sigawan ng madla..

Inabot ko na ang binibigay ni Reego at bigla siyang nagsalita.

"Alam mo ba kung bakit yan ang binigay ko imbis na chocolates at red roses?" hindi ko pa rin kayang magsalita. Talagang nasha-shock ako sa nangyayari. Totoo ba to?

"Kasi yang mga bagay na yan, malapit sa pangalan nating dalawa. Rowana, ang ibig sabihin ng limang rowan berries ay 'I love you so much, Rowana' at yung dalawang marigolds ay 'Be mine'."

Sa sobrang saya ko, inakap ko siya ng pagkahigpit higpit. Alam kong kulang to sa lahat ng ginawa niya para sa akin pero simula ngayon, hinding hindi ko siya iiwan at aalagaan habang buhay..

FIN.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rowan Berries & MarigoldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon