Nagising ako sa videoke ng kapitbahay. Kinakanta ang Til my heartaches end ni Ella Mae Saison. Ang naisip ko lang instantly, gusto ko siyang saktan.
Pero di naman talaga ako nagising technically dahil pakiramdam ko nakapikit lang ako hanggang lumiwanag. Ilang araw na ang nakalipas, di pa rin ako umiiyak.
Dark days. Ito ang tipong nakabalot ka ng kumot ng 10:25 na ng umaga, ayaw magkape dahil umaasa kang dalawin pa ng antok kahit dapat nakaalis ka na ng bahay ng 2:00pm. Yung tipong tumigil pa ang suki mong magtataho sa tapat ng bahay para ipagsigawang taho ang tinda nya, pero di ka bumabangon kunwari tulog ka.
Bandang alas-onse, hinatak ko ang sarili kong i-on ang PC to read the news, of course. Sa facebook. Aba madaming likes. Di ko alam mararamdaman ko sa pagannounce ng nararamdaman ko over the internet. Ang facebook kasi parang may megaphone lahat ng tao. Isipin mo, pag dalawang friends mo ang mag-syota at nagbangayan sa news feed, hindi ka magdadalawang isip na para mo silang kapitbahay na nagbabangayan. Pero oras na i-delete nila pag nagkabati, para kang nanaginip. Hindi nga lang magandang panaginip. OA naman pag bangungot. So ako, hawak ang megaphone pero hindi limited characters. Nagkwento ako.
Sa tuwing mababasa ko ang kwentong sinulat ko, maikli lang, pero tagos. Yung pakiramdam na di ka talaga nakatulog pero mahaba lang yung pagkakapikit mo, didilat ka na totoo pa rin lahat, habang mugto ang mga mata mo kasi di ka naniniwalang tapos na. So para mong dinukot ang puso mo, kinabitan ng bakal, pero akala mo mapprotektahan. Pampabigat lang pala.
Naubusan ata ako ng iyak mula kagabi. Kumakabog lang ang dibdib ko habang tumatanggap ng virtual hugs at umiiyak na emoticons. Di ako maka-react. Di din naman ako makapagpasalamat sa mga dumadamay. Pero hindi nila alam kung gaano ko gustong umiyak sa balikat ng lahat. Nung una di ko maintindihan ang saysay ng pag-post ng mga hinaing ng puso. Nakakarindi. Parang pinilit kang makinig kay Papa Jack. Malinaw naman ang sagot sa mga tanong, solusyon sa mga problema, pero mas pipiliin mong gisingin ka ng galit na DJ. Magsisigaw sa radyo sa loob ng mga taxi kaya pagpasok mo ng office, irita ang laman ng utak mo.
Pero ginawa ko. Kasi for once, gusto kong malaman ng lahat kung gaano ako kasaya dati. Nandiyan ang ebidensya ng instagram. Heto ngayon kailangan mong i-hide ang mga photos sa naka-only me na album kesa mag-delete. Umaasa pa e. At nandiyan yung pag may nagtanong kung bakit mugto ang mga mata mo, sabihin mo na lang, "nasa wall ko." Para di na paulit-ulit. It sucks reliving a dreadful part of your life. Nakakasawa din ikwento.
Shet kailangan ko ng maligo. Kahit ganito kalamig ang enero, na hindi maintindihan ng syensya kung bakit, kailangan ko talagang maligo. May hangover pa ako mula kagabi, nawala na lang ang tama ng hindi pako nakakatulog. Bumaba ako at hinanap ang aking bestfriend na rayban. Yung tipong angas na angas sa yo yung mga tao pero di nila alam mugto mata mo kakaiyak.
Mabilis akong natapos sa banyo at nakapagbihis agad agad. Tulala akong sumakay ng jeep para pumunta sa lugar na maraming taxi. Di ako marunong magpunta ng the fort ng nagcocommute. Isa yan sa pinakakinaiinisan nya. Ang pagkaubos ng pera ko dahil lang sa pagsakay ng taxi. Oo nga naman. Imbis na 50 lang ang nababayad ko, umaabot ng 150. Dahilan ko lagi, oras. Pero ngayon, ano pa ang oras na hahabulin ko. I got all the time in the world. Di nga lang ganun kasaya.
Nauna ako sa restaurant na pagmemeetingan namin. Kaya wala akong ginawa kung hindi icheck sa phone ang facebook, twitter, at instagram ko. Para akong dinudurog kakabasa ng mga posts at tweets ko na naka-tag sha. Gusto kong burahin pero wala ring saysay. Dumadami din ang virtual hugs ko disguised as likes. Ang weird rin ng feeling na malungkot ang post mo pero may nagla-like. Isipin mong naka-thumbs up sila habang ngumangawa ka. Ang saklap.
So back to reality, tinabihan ako ni Jo. Isa sa mga kaibigan kong napakatagal kong hindi nakita. Nasa table na pala sina Liz hanggang dumating sina Estel. At naramdaman ko din ang tunay na mga yakap. Kahit mukha akong douchebag na nakashades sa kulimlim ng alas kwatro, alam nilang galing lang ako ss iyak. "Hindi ka natulog no?", sabi ni Estel. "Kakakita ko lang sa instagram yung pinost mong mga ininom nyo kagabi. Naubos nyo yon?".
"Hindi e. Mas napadami ang kwento, mga opinyon at maiitim na balak. Ang nakakatakot don, di pa kami mga lasing. Ako lang ata ang napadami.", sagot ko.
" Sige lang, gawin mo yan. Dadaan ka talaga diyan. Di na kami papakwento, alam naman namin e. Pero ano itsura nung babae?", tanong ni Liz.
"Ayokong manlait. Pero sexy! May dating naman e. Kaya siguro masakit. Kailangan ko na talagang tumakbo uli."
"Ano yun? Nagising sha bigla na straight pala sha?", tanong ni Estel..
"Di ko alam. Wala akong mahanap na sagot."
Hanggang sa nagdatingan na ang lahat at nakumpleto na kami. Same set of questions. Hanggang sa nagbigay na ng payong kaibigan ang isa sa mga tinitingalang tao na naging kapatid ko na. Si Arthur. As much as gusto kong magbigay ng background ni Arthur, wag na. Basta ang isipin nyo, habulin yan ng lahat, pero faithful habangbhuhay. Kaya alam kong kailangan kong makinig.
"Jer, at some point in this life, relationships will end. Mahirap tanggapin ang realidad na may mga tao talagang nagffall-out of love."
"Toy, there is no such thing as falling out. It usually ends up that you question if it was love in the first place. Naniniwala kasi akong if you fall in love, hindi yan magfe-fade. Mabuburnout kayo oo, pero alam mong gagawa ka ng paraan to save it. Give it a re-spark. Kasi alam mong sa una pa lang, it was a decision. A mutual agreement that if you know you love each other, cheating and lying will never get in the way. Kaya nabbwisit ako sa mga kantang Bakit Ngayon Ka Lang. Aba puta, biktima pa sila kasi makakati sila?"
"Pagbibigyan kita ngayon. Alam ko medyo masakit pa yan, pero maiinitindihan mo din yan sa mga susunod na araw o buwan. Wag na wag mong papaabutin ng taon. Sayang ang oras."
Hanggang sa napagplanuhan na ang aking itinerary for the summer. Getting away. Escape.
Pero seryoso, natatakasan ba to? Bahala na. Natapos na lang ang tawanan namin at mahaba-habang picturean, pero natulala na lang uli ako.
BINABASA MO ANG
Recovery Plan
ChickLitMoving on? Ulul ka ba? There is no such thing as moving on. JK. Meron talaga. :)