Chapter 1

7 0 0
                                    

===========

Chapter 1

============

"Ms.Robles?" Lumilinga lingang sabi ng professor namin na wari'y hinahanap ako.

"Yes ma'am?" Sabi ko at lumapit ako sa kinaroroonan nya.

"Pwede bang ilagay mo Ito sa faculty room?" Sabi nya sabay abot ng white folder.

"Ahh.. Sige po ma'am" Kinuha ko ang folder sakanya " Ito lang po ba ang iuutos nyo ma'am?" Tanong ko sa kanya.

"Yes, Ms. Robles. Thank you by the way." Sabi nya at bahagyang ngumiti.

"No prob ma'am, sige po alis na po ako." Sabi ko at tuluyang nilisan ang room na iyon.

I sigh. Ganito palagi ang eksena sa paaralang Ito. Isa akong scholar sa prestigious school na Ito. Ang "Mueller Academy" at kapalit ng pagiging scholar ko ay maging assistant ng mga teacher dito. Hindi ako nag rereklamo dahil kapalit naman nito ay ang pag-aaral ko

On my way na ako papunta sa faculty room ng may marinig akong tili mula sa mga nag kukumpulang babae.

"Kyaaa~~!! Ayan na sila"

"Waaah~! Zach I love youuu!"

"Axel ang hot mo!!"

"Waaaa~ Ajax pa-kiss!''

" Kyaaaahhh~ Blake marry me!" Napalingon ako agad ng marinig ko ang pangalan ng boyfriend ko..CHARING!

Tinignan ko sila. Silang apat.. Ang mga Hot Guys sa MA. Ang leader nilang si Zach Vaughn na ubod ng ka-cold-an. Ang kambal na Axel at Ajax Schultz na ubod ng kakulitan at shempre ang Boyfriend ko! Si Blake Coulhan!

Nag tama ang tingin namin ni Blake kaya't napaiwas ako ng tingin.Omaygad yung hormones ko!

Nakita kong may binulong sya kina Ajax at Axel at tumingin Ito sakin. Ngumiti ng nakakaloko silang dalawa at tumakbo papalapit sa akin.

Patay.

"Aina! Saan ka pupunta?" Nakangiting Tanong sakin ni Axel.

Napalingon ako sa mga fans ng HG na nanlilisik ang mga mata sa akin. "Uhh.. Jan lang" sagot ko.

"Saan?" Pag-uusisa ni Ajax. Anak ng tokwa naman oh! Kakaltukan ko talaga to e!

"Ano sa faculty room. May inuutos lang si ma'am" nag aalin langan Kong sagot.

"Samahan ka na namin." Sabi ni Blake habang nakangiting.
Damn that smile!

"Oo nga tara na!" Sabi ni Ajax at inakbayan ako. Napailing nalang ako. Mukhang di ako tatantanan ng mga kaibigan Kong Ito. Yes KAIBIGAN ko ang HG sa MA. Bongga ko diba?

Tinignan ko si Zach sa pwesto nya kanina at andun parin sya di kasi sya sumama kita Blake nung pumunta sa kin. Ayaw nya sakin. Ewan ko ba at ang init lagi ng ulo nya sakin.

Nakita kong nakatingin sya samin ay usually base in his eyes, galit nanaman sya.

"Huwag mo nalang sya pansinin, babait din yan sayo." sabi ni Axel habang nag lalakad kami papunta sa faculty room.

"Oo nga Aina hayaan mo sya andito naman kami e." sabi ni Ajax habang naka akbay parin sakin. Minsan kahit maloko tong si Ajax, may tinatago parin tong katinuan " mas pogi naman ako jan e." Ay Mali! Binabawi ko na pala!

***poink***

"Aray ko naman Aina ang sadista mo talaga!" Sabi nya habang hinihimas ang batok nya. Binatukan ko kase sya.

"Puro ka kase katarantaduhan." Natatawang sambit ng kakambal nya.

"Aba't totoo namang pogi ako ah!" Angal ni Ajax.

Make Her BelieveWhere stories live. Discover now