CHapter4.
Safe naman kaming nakarating sa condo ni Light Laking pasalamat ko at Hindi na kami muli pang nag usap ng mga bagay na walang kasense sense.
.ayaw ko na nga gulo.
Pagod na ako.
Drain na yata ang energy ko para sa araw na ito.
*cook dinner for us I'm hungry *
Mando agad nito pagkapasok at pagkapasok namin sa condo niya..
Napanganga ako.
At inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid.
Bahay ba to???
May tao bang nakatira dito???
Anong bagyo ba ang Dumaan dito???
Napangiwi ako ang kalat ng unit niya.
Mga gamit,damit,medyas,sapatos,ang Mesa ay puno ng pinggan na inaamag na yata sa tagal na Hindi niligpit...
*dito ka ba nakatira?? "
*huh??? Paminsan Minsan Lang ako umuuwi dito. Kaya ganito kakalat. *
Halos maubo ako sa kapal Ng alikabok.
Nang pumunta ako sa kusina, halos malaglag ang panga ko.
Sa tanawin na nakita.
Damn that man.
Alam ko sinadya niya to.
He ordered me to cook.
Eh paano ako magluluto.
Ang dumi ng kusina.
Puno ng pingnan,baso,kaldero,at mga Hugasin ang lababo.
At ang gas stove, napamura na lang ako....
Shit!!
Pagod pa naman ako.
Pero Mukhang mapapasabak ako sa dami ng lilinisan.
Akala ko na sobrang yaman ng lalaking to.
Bakit Hindi man Lang nakapaghire ng katulong.
Shit, Shit, Shit,
Halos mapatalon ako ng Akmang isalansan ko ang mga pinggan at naglabasan ang pagkalaki-laking ipis.
*ipis!!! *malakas na tili ko...
Takot kaya ako sa ipis..
Grabe ang dami.At papunta sila sa akin.
Parang tumayo yata lahat ang balahibo sa buong katawan ko kaya nagtatakbo ako papunta sa Kung Saan direksyon,
Hindi ko na alam
Ang alam ko Lang takot na takot ako sa mga ipis.Nagtatakbo PA rin ako papunta sa Sala.
Paano naman kasi Nakasunod ang mga ipis sa akin.
May ghad Mamatay yata ako ng maaga Dahil sa mga ipis.
Panay Lang ang takbo ko kaya Hindi ko Namalayan na papalapit din sa akin si Light.*ipis... * sigaw ko.
* hey anong nangyari sayo? Bat ang putla mo??? *
*ipis maraming ipis.. *
Napatili na naman ako Nang makita ang isang ipis na papunta sa direksyon namin.
Kaya dahil sa takot ko, napakandong ako Kay Light ng wala sa oras.
Nakayakap ako sa Kanya ng mahigpit at yong ulo ko ay isiniksik ko sa leeg niya.
* whoops, easy lady, *tanging nasabi niya ng yumukyok na ako sa leeg niya.
*takot ka ba talaga sa ipis o plano mo Lang to para makalapit at makatsansing sa akin, Huh??? *
Dahil sa Sinabi niya ay parang natauhan ako...
Hmmp.
Namula ako ng makita ko ang posisyon namin.
Ano ba naman nakakahiya..
" you're blushing,ang ganda mo pa rin sa tuwing nagbublush ka.. *
Shit..
Hindi yata nakatulong ang mga Sinabi niya.
Pakiramdam ko mas lalo akong Namula.Hmmmp.
Inirapan ko Lang siya.
Sabay talikod,
Nahihiya talaga ako.Dahil sa nangyari nawalang bigla ang takot ko sa ipis.
Dahil mas gusto ko na lang magpunta sa kusina para makaiwas sa Kanya.Kasi nahihiya talaga ako....
* hey where are you going? Akala ko ba takot ka sa ipis. Maraming ipis Dyan, baby.. *
Tawag niya sa akin ng papunta na ulit ako sa kusina.
Inirapan ko Lang siya.
Kaasar talaga ang lalaking yon.
Grrrr..
*come back here baby! *
* babyhin mong mukha mo.. *
At tuluyan ko na siyang Iniwan.
Nangangalaiti ako sa inis dahil abot hanggang sa kusina ang halaklak ng Halimaw... 😈😈😈😈..
....
YOU ARE READING
THe LoNEr And The Heartless Snob
RomanceGinawang pangbayad UTANG ng kanyang pamilya si Jania. Ayaw SANa ng mga magulang niya kaso siya ang hinihinging kabayaran ni Light Mendez ang lalaki na galing kanyang nakaraan na labis niyang nagustuhan pero binalewala Lang siya nito. Pero nararapa...