Snake's

41 6 5
                                    

I would love to name myself as Lata.

Hello there people! I'm Lata and in this story, it's my point of view.

Lata POV

Nagchat na naman si Gauge. Ang tibay din nito e, isang taon na kong nililigawan. Sa loob ng isang taon na yon, minahal ko sya at ngayon? Ngayong araw ko sya sasagutin. He's sweet, caring and most of all mahal na mahal ko na.

Lumabas ako ng bahay dahil sabi nya ay nasa labas sya. And to my surprise nandoon nga sya at may hawak na bulaklak at chocolate.

"Hi." Nakangiting sabi nya.

I smile back.

"Nag-abala ka pa." Kinuha ko sakanya ang bulaklak at chocolate. Plastik lang yung bulaklak kaya binulsa ko. I appreciate it after all.

"Pasok ka?" Nakangiting sabi ko at nilawakan ang pagkakabukas ng gate.

"La!" Narinig kong sigaw ni Mama kaya napakamot ako sa ulo.

"Ah, Gauge don ka muna sa kubo. Kukuha lang ako ng meryenda mo saka sundin ko lang muna si Mama."

"Sige lang."

Iniwan ko sya doon at pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko si Mama na nagluluto sa kusina.

"Ano yon, Ma?"

"Bumili kang betsin."

Napairap ako. Leche nandyan naman yung bunso kong kapatid ako pa inutusan!

"Wag mo kong mairap-irapan riyan." Nakataas ang kilay na humarap sya sakin at dinuro ako ng sandok.

Kinuha ko na lang yung dos na nasa lamesa at nakabusangot na lumabas ng bahay. Abnormal yang Nanay ko e, isip bata minsan, minsan naman napakaistrikta hayy.

Paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Gauge na may kinakausap. Oh? Bakit nandito si Tik?

Si Tik ay bestfriend ko. At para na talaga kaming magkapatid dahil lagi syang nandito samin.

Naabutan ko silang nagtatawanan ni Gauge at bahagya pang hinampas ni Tik ang braso ni Gauge.

"Tik?" Takang tanong ko.

"Uy besang!"

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ouch! Bawal na ba ko dito?"

Napailing ako dahil napiyok pa sya ng konti. Ganyan yan e, palaging napipiyok.

"Duh, nagtataka lang ako. Sige dyan  lang kayo. Bibili lang akong betsin."

Pagkabili ko ng betsin ay kumuha ako ng juice, baso, nutella at tinapay sa ref. Nilagay ko yun sa tray at dumeretso sa kubo.

Naabutan ko na naman silang nagtatawanan at nagkukwentuhan. Nakaramdam ako ng inis.

"Gauge, Tik! Meryenda oh." I force to smile.

Ngumiti si Gauge sakin at si Tik ay kumuha agad ng isa.

"So ano ngang mood mo at napadpad ka dito, Tik?" Nagtataka paring tanong ko.

"Namiss lang kita." Nakangiti nyang sabi at hindi nalingat sa paningin ko ang mabilis na pagsulyap nya kay Gauge.

"Ah talaga?" Kunyari ay naniniwala kong sabi at humarap kay Gauge.

Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis kay Gauge at hinawakan ang kamay nyang nasa lamesa.

"Sinasagot na kita." This time ngumiti ako ng puro at totoo.

Natigilan si Gauge at hindi rin nagtagal ay ngumiti at niyakap ako. Napangiti rin ako, I love you Gauge!

Snake'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon