*I don't wanna know*
*I don't wanna know*
*who's taking you home*Hhhhmmmm
Ano ba yun?
"waaaaahhhhh"
Napabangon ako bigla sa pagkakahiga ko sa kama
At agad na dumiretso sa may banyo
"waaaahhh late na ko! "
Teka
Bat walang tubig
Ay walangya sira nga pala yung shower ko!
Teka yung timba ko
Sinilip ko naman sa may labas ng kwarto baka nandon
Nasan na yun?
Dalidali akong bumaba papuntang kusina dahil doon malapit yung isang CR
"Maaa! Nakita mo yung timba? "
Sigaw bago pa man ako makarating sa kusina
"San ka pupunta? "
"Waaaaahhh walangya ka! Anong ginagawa mo sa pamamahay ko? "
Tanong ko kay Kieran na sumalubong sakin dito sa kusina.
May hawak hawak pa sya na plato na puno ng pagkain at halatang palabas sya ng kusina
At abay nakikain pa.
"Aahh Baliw ka wag ka ngang maingay, mamaya sabihin ng kapit bahay nyo may
gwapong magnanakaw na pumasok sa bahay nyo"
Sabay ngiti nito na nagmamagwapo
"Magnanakaw lang, hindi gwapo. Sino bang nagpapasok sayo?
Nakita mo ba nanay ko? "Tanong ko sa kanya
"hhhmmm teka iisipin ko! "
Sabit nya sabay hawak ng isang kamay sa may baba na akala mo ang lalim ng iniisip.
=_=
"Aaahhh alam ko na! Pero Una sa lahat
Gwapo ako. 😎
Pangalawa yung nanay mo yung nagpapasok sakin!
PangatloWala yung nanay mo
Namalengke!"
Sabay lakad nito papuntang sala.
Sinundan ko naman sya
Dahil nagtataka ako kung bakit nandito pa rin sya?
eh late na kami?
"Nga pala! May lakad kaba? Bat parang nagmamadali ka?? "
Napansin nya ata na nagmamadali ako kanina
Pag katanong nya non ay agad syang umupo sa may sofa at ipinatong yung plato nya sa may maliit na lamesa.
"Sa school baliw! "
Sagot ko sa kanya
"Mas baliw ka! Sabado ngayon Baliw! "
Sigaw nito
Hindi naman sigaw na todo
"Huh? Di nga? "
Tanong ko dahil baka trip lang ako neto
Bigla naman nyang kinuha yung cell phone nya at itinapat sakin
"Ayan oh! Sa-Tur-Day! "
Dahan dahan nya talagang binanggit yung saturday na parang nagtuturo na magbasa =__=